"Vince Ano ba?! baliw kana ba?!" nagmadaling lumapit sa akin si Sab at pilit na kinakalas ang kamay ni Vince. "Umalis ka dyan kung ayaw mong saktan din kita?!" "Ano bang ginagawa mo?! nasisiraan kana ba ng bait? Pati babae pinapatulan mo?!" sagot ni Sab na halatang galit na din. "Aba gusto mo bang matulad din sa babaeng ito!" Hinaklit niya ang braso ni Sab at binalya ito. Nakita ko na lang na tumama si Sab sa pader at dahan dahang napaupo. Wala na itong malay. "Vince tama na yan!" Pigil ng dalawa niyang kaibigan. "Kayong dalawa manahimik kayo!!" singhal niya at napaatras ang dalawa. "Ok lang sana na sinaktan mo ako. Pero si Sab? Hayop ka! Mas malala kapa sa asong ulol!"hindi na kaya ng konsensya ko ang ginagawa niya. Buong lakas kong hinawakan ang kanyang kamay. at pilit na inalis iy