"Yun ang usap usapan sa lugar namin. At yun din ang pagkakaalam ko. Hindi pala yan naikwento ni Soledad at Calixto?" Umiling ako saka ipinagpatuloy ang ginagawa. Malay ko na may ganun palang nakaraan sila lolo at lola. "Kaya ho sigurp hindi nagkukwento si lolo at lola pag nagtatanong ako." "Magkamag anak silang dalawa. Ang usap usapan at base na din sa pagkakaalam ko ay mag 5th cousin na silang dalawa. Kaya siguro lumuwas sila ng maynila ay para paglayuin ng kanilang pamilya. Tapos huli ng malaman kong nagtanan silang dalawa. Nagpakasal sila ng hindi alam ng kanilang pamilya. Pagibig nga naman kahit mali hala sige sugod." sambit nito saka umiling. "Nay ganun siguro talaga pag tinamaan ka ni Kupido". nang matapos maghugas ay umupo ako sa kanyang tabi. Mukang mapapa kwento si