KATAHIMIKAN ang namayani habang kumakain na kami ng dinner sa labas ng bahay sa veranda. Katabi ko si Drew na may hawak sa anak ko, nakaupo ito sa kanyang kandungan. At sa kabila naman nakaupo si Nick paharap sa amin. Katamtaman lang ang laki ng lamesang kinakain namin, isang plastic na lamesa na madalas kong makita kapag may pinaglalamayan. At dahil buhat ni Drew si Anzhelika ay hindi ito makakain ng mabuti, kaya naman ako na ang nagpresenta na subuan ko siya, at agad naman pumayag. “Isang slice beef nga, asawa ko,” wika sa akin ni Drew sa malambing na boses. Ngumiti naman ako at agad na kumuha ng isang hiwa ng tinulang baka, tinusok ko iyon ng tinidor at hiniwa muna ng maliit na kutsilyo para hindi gaano malaki, at nang matapos hatiin ay saka ko sinubo sa kanyang bibig, pati kanin ay