PAGSUNOD

2410 Words

Nagimbal na ako at gulat na gulat na napatingin kay Nick. Napahinto naman ito pagkalapit sa akin at tiningnan ako, 'yung klase ng tingin na hindi ko mawari kung ano, blangko may sinasabi ang mga mata, hindi galit pero kakaiba, hindi ko matukoy. “Nick…” mahinang sambit ko kasabay ng aking bahagyang pag-atras, pero wala na akong maatrasan dahil couch ang nasa likuran ko. Matapos akong tingnan ng ilang sandali ay napunta naman ang tingin ni Nick sa anak ko na buhat-buhat ko. Mas lalo akong kinabahan nang tinitigan na nito ang mukha ng anak ko. “Who's the father?” tanong na nito makalipas ang ilang sandali at binalik na ang tingin sa akin. Napalunok ulit ako. “Si Dre—” Ngunit bago pa ako makasagot ay inunahan na ako ni Drew. “Pina-DNA test ko na. I am the father,” sagot nito sa kaibigan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD