PAGHABOL

1811 Words

Muli akong napalunok kasabay ng aking bahagyang pag-atras dahil sa pagtawag nito sa aking pangalan. “Hazel!” Humakbang na ito palapit sa akin habang ang tingin ay nasa mukha ko pa rin, 'yung klase pa rin ng tingin na parang hindi makapaniwala sa kanyang nakikita, at parang nag-iba na ang emosyon sa mga mata nito, tila ba lumambot na akala mo'y nangulila; hindi ko mawari, pero wala akong makitang galit. Marahas na akong umiling para iparating sa kanya na ayokong lapitan niya ako. Ngunit bago pa ako makatalikod at makatakbo palayo ay nakalapit na ito sa akin at bigla na lang akong niyakap. “Sa wakas, nahanap din kita,” wika nito at humigpit ang yakap sa akin. Nabigla naman ako. Pero nang makabawi ay agad din akong nagpumiglas. “B-Bitiwan mo ako! Hindi kita kilala! Ano ba! Bitaw sabi!”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD