MAGPALIT ng pangalan para makalaya? Mas gusto ko nga 'yun. Pumayag ako sa suhestiyon na iyon ni Drew, at nangako siya sa akin na aayusin niya ang mga papeles sa pagpapalit ko ng pangalan, kumbaga bibigyan niya ako ng ibang katauhan; pangalan ko lang ang papalitan ko pero hindi ang apelyido, bale ang mangyayari ay may kapatid ang tunay na ako at 'yun ang magiging ako. Isang linggo lang yata ang lumipas at naibigay na niya sa akin ang birth certificate ko at mga IDs gamit ang bago kong pangalan, bagong katauhan. At makalipas ang isa pang linggo ay ikinasal nga kami, pero sa labas lang ng aming bahay, sa may garden ginanap. Ayaw kasi namin ni Drew sa simbahan dahil baka may makakita pa sa amin na mga taong matagal ko nang pinagtataguan. Simple lang ang naging kasal namin, pero naroon laha