Third Person's POV Five months later NASA club ang limang magkakaibigan na pare-parehong walang imikan at tahimik lang umiinom habang nakahilira ng upo sa bar counter. “So ano, hanggang ganyan na lang ba kayo? Hindi na kayo magpapansinan?” basag ni Drew sa katahimikan. “Oo nga, bakit ba napakatahimik niyo? Narito tayo para magkaayos at ibalik ang pagiging magkaibigan natin. Let's just be friends again. It's been five months, kalimutan niyo na ang sama ng loob sa isa't isa dahil wala na rin naman si Hazel, so wala nang dahilan pa para mag-away-away kayo,” wika naman ni Cloud habang inaalog-alog ang alak sa kupitang hawak. “Tsk. 'Yang dalawa lang naman 'yan ang parang sinakluban na ng langit at lupa dahil lang sa pagkawala ng isang walang kwentang babae,” asik naman ni Tred at muling la