Hazel's Point of View HAPLOS-HAPLOS ko ang aking malaking tiyan habang nakatayo sa harap ng glass window dito sa loob ng kuwarto at nakatanaw sa labas, naghihintay sa kanyang pagdating. Lumalalim na ang gabi, 09:32 PM na pero wala pa rin siya, hindi pa rin umuuwi. Dati-rati naman ay nagpapaalam siya sa akin kapag alam niyang mali-late siya ng uwi. Pero ngayon, 09:53 PM na, wala man lang ni isang text message. Hindi ko tuloy mapigilan ang mag-alala. “Ma'am Hazel! Gising pa po ba kayo?” Napalingon ako sa pinto nang marinig ang pagkatok ni Manang Celia, ang mayodorma na lagi kong kasa-kasama rito sa bahay para pagsilbihan ako. “Bakit po, manang?” sagot ko, pero nanatili lang sa aking kinatatayuan. “Gabi na po, ma'am, gusto niyo bang ipagdala ko na kayo ng pagkain dito?” “Huwag na po,