Buong magdamag yata akong gising dahil sa kakaisip ko kay Nick. Nakayakap ako kay Drew at nakapikit lang ang mga mata ko, pero gising na gising ang diwa ko. Hindi ako makampanti na baka magsumbong si Nick sa kanyang mga kaibigan kaya bigla na lang ito umalis kahit malalim na ang gabi. Madaling araw na nang makatulog ako dahil sa kakaisip ko ng kung anu-ano. Pagkagising ko ay mag-isa na lang ako sa kama, hindi ko na katabi pa ang mag-ama ko. Bumangon na lang ako at pumasok ng banyo. Saglit akong naghilamos at nagsipilyo bago tuluyang lumabas ng kuwarto para hanapin ang mga ama ko. Napangiti naman ako nang marinig ang pagbungisngis ng anak ko sa labas na tila tuwang-tuwa. “Daddy! Daddy!” pagtawag pa nito sa kanyang ama at napapahalakhak. Talagang kayang-kaya na nitong bigkasin ang sali