NANG makabalik si Drew galing ospital ay niyaya na ako nitong bumalik na kami sa kanyang mansyon. Kaya ang nangyari ay bumalik na kami, pero sumama pa rin talaga sa amin si Nick dala ang maleta nito. Hindi ko rin maintindihan si Drew, pero parang hirap nito itaboy ang kaibigan. Sinabi lang nito sa akin na hayaan ko na lang si Nick kung gusto man nitong makitira sa amin, basta ang mahalaga ay iba naman ang kuwarto nito, at baka hindi rin ito magtagal ng isang linggo ay aalis din. Basta ang gawin ko lang ay salubungin siya tuwing uwi niya galing ospital, at iwasan ko lang si Nick. Pero kapag umabot na ng isang linggo at hindi pa rin ito umalis nang kusa, saka siya gagawa ng ibang paraan. May usapan yata silang dalawa, hindi ko lang alam kung ano. Lumipas ang tatlong araw ay naging ayos na