PAGTUNTON

1040 Words

AKALA ko ay aabot pa si Nick ng apat na buwang pananatili sa amin, medyo matagal din 'yun kung sakali at mapipilitan din akong tiisin ang pagiging linta niya kung makadikit sa akin. Pero mabuti na lang ay hindi na umabot pa ng buwan at umalis na ito nang kusa, bumalik na sa kanyang bahay dala ang kanyang mga gamit. “Masyado ko nang pinagsisiksikan ang sarili ko sa 'yo kahit na ayaw mo naman sa akin. Magmula ngayon ay malaya ka nang makasama si Drew. Sulitin mo ang bawat araw na kasama siya at magpakasaya kayong dalawa,” huling sabi nito sa akin at binigyan pa ako ng halik sa labi bago umalis. Lubos naman akong natuwa at nagkaroon ng kaginhawan sa kanyang pag-alis. Naging kumportable na ang bawat araw ko kahit nasa trabaho si Drew, naging normal na lahat. At lubos din akong nagpapasalama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD