Third Person's POV BALISANG-BALISA si Drew, hindi mapakali dahil sa kakaisip kung ano na ang gagawing hakbang. Tapos na ang birthday party ng kanyang anak at nagsiuwian na ang mga bisita pati na rin ang kanyang pamilya. Pero pagkaalis na pagkaalis ng mga bisita ay agad na kinuha ni Aze si Anzhelika, sinabi nito na ipapa-DNA test lang ang bata at ibabalik din agad kapag hindi naman nito anak. Walang nagawa si Drew dahil hindi niya napaghandaan ang pagdating ng kaibigan, hindi siya puwedeng pumalag dahil alam niyang talo siya kung magpapadalos-dalos siya, marami kasing tauhan itong kasama. Pero mabuti na lang bago pa sila matapos sa pag-uusap nila kanina ay wala na si Hazel, naitakas na ito ni Nick na kanyang lubos na pinagpapasalamat; galit na galit naman si Aze, at bago ito umalis dala s