Hazel's Point of View HINDI ako mapakali habang hinihintay ang pagbabalik ni Nick. Paumaga na pero wala pa rin ito, hindi pa rin bumabalik. Nagpaalam kasi ito sa akin na makikipagkita lang kay Drew para malaman ang sitwasyon. Kinakabahan naman ako at natatakot, kaya kahit paumaga na ay hindi pa rin ako dalawin ng antok dahil balisang-balisa ako. Parang gusto ko na lang lumabas at bumalik sa mag-ama ko, pero natatakot naman ako na baka naroon pa si Aze. Dito ako dinala ni Nick sa isang sementadong bahay na malayo sa kahanggan, dahil mas safe raw dito, walang makakakita sa akin na kapitbahay. TANGHALI na nang marinig ko ang pagdating ng sasakyan sa labas. Mabilis akong tumakbo palabas ng kuwarto at dali-daling binuksan ang pintuan ng bahay. Kotse na nga ni Nick ang dumating. “Nick!” A