PAGLASLAS

1802 Words

HINDI na ako nagpumiglas pa nang tumatakbo na ang sasakyan. Mas mabuti na nga rin siguro na makaharap ko ang demonyong Aze na 'yun para makumpirma ko kung totoo nga ba na pinatay nga nito si Drew. Talagang hindi ko mapapatawad ang demonyong 'yun kung sakaling totoo. At kung kinakailangan na ipaghiganti ko si Drew ay gagawin ko kahit na buhay ko pa ang itaya ko. Ayos lang kung mamatay man ako, wala na rin naman silbi ang buhay ko, dahil paniguradong hirap na naman ang dadanasin ko sa mga kamay ng lalaking 'yun. Oras din ang tinagal ng biyahe bago pumasok ang sasakyan sa malaking gate ng mansyon ni Aze. Unti-unti nang kumuyom ang mga kamao ko at hindi na mapigilan ang mangilid ang luha sa mga mata ko nang maalala na naman ang mga sinabi ni Nick na wala na si Drew, dahil pinatay na ito ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD