Chapter 28: Running For Life KANINA pa kami takbo ng takbo ni Kwangyeon, dinig na dinig ko ang bawat hingal niya at alam kong pagod na siya. "Kwangyeon ibaba mo na ako kaya ko namang tumakbo," sabi ko sa kaniya. Mabilis manghina si Kwangyeon ngayon at halata na ang pagod niya. "Kaya pa kitang buhatin, kailangan nating bilisan dahil hinahabol na nila tayo," sabi niya sa akin. "Ang mga taong lobo ba ang tinutukoy mo?" tanong ko sa kaniya at tumango siya sa akin. Pumasok kami sa isang napakalaking puno na sa loob ay parang may bahay na 'di mo maintindihan, inilapag niya ako doon at sandali siyang naupo at pinikit ang mata niya at humingal. "Kwangyeon, ano bang meron? Lahat na lang hinahabol ka pati aso ata may crush sa abs mo." tanong ko sa kanila. "Bumalik sila upang tapusin ako," saad