Chapter 29: Missing You KWANGYEON, babalik ako," nadinig ko mula sa aking isip ang boses ni Ginny. "Hintayin mo ako, 'wag kang maiinis at saka mainip, basta alam mo naman na sobrang mahal kita 'diba?" muli niyang saad sa akin. Minulat ko ang mga mata ko at agad akong napabangon, dahil sa biglaang bangon ko ay sumakit ang buong katawan ko. Si Ginny? Nasa'n si Ginny? Hindi siya maaring mawala "Ginny!" sigaw ko ng maalala kong nawawala ang aking mahal. Nawawala si Ginny, 'di pa nila nakikita si Ginny. "Gising ka na pala," napatingin ako at nakita ko si Bona na nasa tabi ko at gumagawa ng gamot, sa isang sulok naman ay si Minah na natutulog. "Si Ginny?" tanong ko sa kaniya. "Hinahanap pa siya ni Sungmin, sa bangin nalaglag ang katawan kaya--" "Bakit ba pinapalabas niyo na namatay siya