Chapter 23: Broken Trust NAGISING ako dahil sa mumunting bulungan sa tabi ko, boses ito ni Kwangyeon at ng isang babae. Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Suji na malapit kay Kwangyeon at nag-uusap sila ng mataimtim. Itinaas ni Kwangyeon ang mukha ni Suji at akmang ilalapit ang mukha niya dito at pilyong ngumiti. Imbes na maganda ang gising ko bigla akong naurat dahil doon. "Ipinangako kong gagawin ko ang lahat para sa iyo Panginoon," sabi nung Suji. Bumangon ako at bahagyang lumapit sa kanila para makinig. "Talaga nga ba? Sa pagkakaalam ko ay kinasusuklaman mo ako," sagot ni Kwangyeon. "Naalala ko kung gaano ka katakot sa akin ng dinala ka ng ama mo dito para pagsilbihan ako. Naaalala ko ang batang iyon na lumaki na bilang isang napakagandang dilag," saad ni Kwangyeon sa kan