Chapter 22: Heal me, Love me (Kwangyeon's Point of View) "PANGINOON ano pong nangyari kay Ate Ginny? Nawala lang ako nasaksak na siya!" malakas na tanong sa akin iyan ni Minah ng makarating siya. "Wag ka ng maraming satsat, linisin mo ang sugat niya at saka mo ako tawagin," saad ko sa kaniya. "Ay kung pagalingin mo na kaya agad, mamaya mamatay pa iyan. Hindi kaya ng kagandahan kong maghukay ng libingan," sagot niya sa akin. "Gaga ka wala pa akong balak mamatay, 'di pa kami nagki-kiss," mahinang sagot ni Ginny sa kaniya. "Ay tingnan mo panginoon, nagawa pang humarot eh mamamatay na nga," sumbong naman ni Minah sa akin. Naghihinalo na nga tapos nagawa 'pang makipagsagutan sa isang bata. "Gawin mo na lang ang gusto ko, malalim ang kaniyang saksak," saad ko sa kaniya at medyo nasigawan