Chapter 21: Stabbed Love KWANGYEON'S POINT OF VIEW "PAKAWALAN mo na lang ako. I promise hindi ako tatakas," pakiusap ng babaeng ito sa akin. Kanina pa siya nakikiusap na muli ko siyang pakawalan pero ayaw ko sapagkat dumidikit lang siya sa akin at isa pa ay mahirap na pakawalan siya ngayon. Hindi ko pa nalalaman ang mga plano ni Sungmin para sa akin. "Kwangyeon, di naman ako tatakas eh. Tatabi lang ako sa'yo," muli niyang saad sa akin. "Panginoong Kwangyeon," pumasok sa aking kweba ang punong ministro ng hari. "Anong ginagawa mo dito, Punong Ministro Choi?" tanong ko sa kaniya. "Kwangyeon!" muli na namang sigaw ng babaeng iyon sa akin. "Siya ba ang babaeng dayuhan na ginamit ni Sungmin upang masugpo ka?" tanong ni Ministro sa akin habang nakatingin pa rin siya kay Ginny. "Oo, siya