Chapter 20: Tied

2328 Words
Chapter 20: Tied GINNY ALMAZAN POINT OF VIEW "MINAH, pwede mo ba akong itali malapit sa chair ni Kwangyeon para abot kamay ko siya?" tanong ko sa batang si Minah at napatingin siya sa akin. "Alam mo ate Ginny, ikaw lang yata ang nag-iisang nadukot na hindi nagrereklamo at gustong mapalapit sa nagpadukot sayo," sagot naman niya sa akin. "Yung kidnapper naman ang pinuntahan ko dito kaya hindi na ako mag-iinarte pa. Sige na ilapit mo ako sa kaniya, dali o kaya itali mo ako sa kama niya." Pagpupumilit ko sa kaniya at pinilit kong gumapang palapit kay sa upuan ni Kwangyeon. Hindi rin naman naging successful iyon kasi masakit gumapang nang nakatali at ayaw kong tulungan ni Minah. "I'm one step closer to my dreams," at saka ako gumawa nang ngiting tagumpay. "Ewan ko sayo ate, nahibang ka na ata dahil isang araw ka ng walang kain. Gutom ka na ba?" tanong niya sa akin. Si Kwangyeon ang gusto kong kai—este di pa ako nagugutom. Nasaan ba si Kwangyeon? Diba dapat nandito lang siya?" tanong ko sa kaniya. "Baka lumabas siya upang kumain. Nagsasawa na kasi siya sa dugo ng mga kawal dito sa palasyo, amoy putok daw kasi," saad niya sa akin at saka siya sumubo. "Ganoon ba?" tanong ko sa kaniya. "Oo, pero huwag kang mag-alala dahil mabait naman ang panginoon ko. Kahit kumakain siya ng tao ay hindi niya ako kinakain o sinasaktan. Ang bait nga niya, lagi akong nakakahingi ng pera sa kaniya," pagwkento niya sa akin. "Alam kong mabuti siya, mabait naman talaga si Kwangyeon eh," sabi ko sa kaniya. "Ate muntikan ka niyang napatay kahapon tapos--" tanong niya sa akin "Basta alam ko, hindi ko naman sasabihin ito kung 'di ko nakita ang kabaitan niya diba?" "Pero totoo bang naging kasintahan ka niya? Kung gayon, bakit hindi ka niya naalala?" Tanong niya sa akin napayuko ako dahil doon. "Hindi ko rin alam, pero hindi na iyon importante. Basta ang alam ko dapat maalala niya ako. Kahit hindi na niya ako mahalin ulit, basta maalala lang niya ako. Makita ko siya at makausap gaya ng dati," sabi ko sa kaniya. "Wag kang mag-aalala ate Ginny, tutulungan kita na makausap muli ang panginoon. Tutulungan kitang makagawa ng paraan upang maakit siya muli," "Kabata bata mo pa pang-aakit na ang nasa isip mo, pero I like that ha? Me gustas tu!"sabi ko sa kaniya at bahagya akong kinilig. Konti lang naman. Di nagtagal ay natulog na rin si Minah malapit sa akin. Malapit kasi ang kama niya sa aking pinagtalian, medyo nainggit naman ako dahil nakahiga siya, samantalang ako nakaupo lang at nakadungaw kay Kwangyeon. Worth it naman kasi nakahubad 'yung dinudungaw ko. Pero ngayon wala pa 'yung dinudungaw ko. Siguro nagpu-food hunting ang lolo ninyo. Dati sa bintana ako tumitingin, ngayon sa may butas na ng kweba niya. Hindi nagtagal pumasok na rin siya sa loob. Puno ng dugo ang kaniyang labi at ang lakas ng aura niya. 'Kwangyeon, saan ka galing?" tanong ko sa kaniya pero di niya ako nilingon. "Ang suplado mo naman, dati pag galing ka sa labas at babalik ka sa hospital lagi akong may halik galing sayo. Kahit nagigising mo ako noon, ayos lang," sabi ko sa kaniya nilingon niya ako at tumingin siya sa akin. "Manahimik ka kung ayaw mong mamatay," sabi niya sa akin. Matagal na akong patay na patay sayo kaya ikaw ang shut up diyan. "Kung gusto mo talaga akong patayin dapat kanina mo pa ginawa," sabi ko sa kaniya pero naupo lang siya sa trono niya at doon siya naman ang pumikit. Pinagmasdan ko siyang matulog, wala akong pakialam kung magkaroon ako ng unan under my eyes kasi gusto ko siyang mapagmasdan. Habang malakas ang hilik ni Minah ay gumapang naman ako papalapit sa natutulog na si Kwangyeon para mas tinitigan ko siya. "Paano ba kita yayakapin eh nakatali ako? Ah alam ko na! kikiss na lang kita papapout na ako ah?" tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa kaniya. Nag-pout na ako at ikikiss na sana siya pero napatigil ako, mas maganda kasi siya i-kiss kung gising siya. Hindi nagtagal minulat niya ang mata niya at saka niya awtomatikong sinakal. "Binabalak mo akong patayin?!" pasigaw niyang tanong sa akin. "Ano ba?! Tumititig lang eh!" sigaw ko pabalik sa kaniya pero mas dumiin ang sakal niya. "Buo na ang desisyon ko papatayin na kita!" sigaw niya sa akin. "Kita mong nakatali ako paano kita papatayin?" tanong ko sa kaniya. Binitawan na niya ako, napaubo ako kasi pakiramdam ko nawawalan ako ng hininga. "Sa tingin mo maniniwala ako na tinitingnan mo lang ako?" tanong niya sa akin ngumiti ako sa kaniya. "Oo," sagot ko sa kaniya at saka ko siya tiningnan sa mga mata niya. Ngumiti ako ng makita ko kung paano lumambot ang mukha niya ng madinig niya 'yon mula sa akin. "Dati kasi kapag tinitingnan mo ako bago matulog, nawawala yung bigat ng pakiramdam ko. Kapag ginagawa mo iyon nakakatulog ako ng mahimbing. Kaya ginagawa ko rin iyon sa'yo kasi parang ang babaw lang ng tulog mo. Pero okay lang din na nagising ka kasi kinakausap mo ako ngayon," sabi ko sa kaniya. "Hindi ka ba makatulog?" tanong niya pabalik sa akin "Ayokong matulog, baka kasi pagkagising ko ulit wala ka na naman." sagot ko sa kaniya. "Hindi ako mawawala, nandito pa rin ako hanggang sa gumising ka kaya magpahinga ka na lamang r'yan. Sulitin mo ang buhay mo habang 'di pa kita kinakain." Sagot niya sa akin. **** KINABUKASAN, lumabas si Minah upang mamili ng mga gulay sa bayan. Nanghingi na naman siya ng pera dahil muli daw siyang bibili ng sapatos. Binigyan naman siya ni Kwangyeon at binilingan ito na mag-ingat dahil baka may sumunod sa kaniya. Pinapanood ko si Kwangyeon na kunin ang dugo ng isang tao at iniipon ito sa lalagyan upang inumin niya. Nagugutom tuloy ako, wala pa akong kain pero ayoko ng dugo. "Psst!" tawag ko sa kaniya. Nilingon niya ako at ipinakitang umiinom siya ng dugo sa akin tumulo pa nga sa abs niya yung dugo eh. Buti pa ang dugo, natulo sa abs niya eh ako kailan kaya? Ay juskuuu ang harot ko tapos natawa ako ng mahina na para bang malandi napatingin tuloy siya sa akin na mapanghusga. "Anong tinatawa mo diyan?" tanong niya sa akin at umiling ako. Muli siyang uminom at tumulo na naman ang dugo sa abs niya. Eng sherep telege, anong klaseng pang-aakit 'to panginoon ko? "Wala ka bang pagkain?" tanong ko sa kaniya. "Kakaalis pa lang ni Minah hintayin mo siya kung gusto mong kumain," sabi niya sa akin. "Hindi ba kita pwedeng kainin?" tanong ko sa kaniya at tinitigan niya muli ako ng masama."May pandesal ka naman e, mabubusog na ako diyan!" saad ko sa kaniya. Muli niya akong tiningnan ng masama. "Joke lang, hahaha. Gutom na kasi ako kaya ko nasasabi 'yon," reklamo ko sa kaniya pero 'di niya ako pinansin. Sa halip, pinakita pa niya sa akin ang pag-enjoy niya sa blood drinking. "Makakain na kita sa sobrang gutom. Kwangyeon, pahinging pagkain." Hindi pa rin niya ako pinapansin at patuloy lang 'sya sa buhay. "Sige na, gutom na ako penge akong pagkain kahit patatas lang. Pakibalatan na rin ha?" tanong ko sa kaniya pero binalewala niya ako. Maya maya pa tumunog na ang tiyan ko. "Ang tagal mo naman Minah, hindi ka naman siguro sa mall nag grocery ano?" tanong ko sa sarili ko. Ngayon ko lang na-realize na 'di pala nakakabusog ang pagtitig kay Kwangyeon. Mamaya maya pa nakita kong kumuha ng mga kahoy si Kwangyeon at inapuyan ito na parang sa campfire tapos lumapit siya sa akin at binuhat ako. "Anong gagawin mo? Iihawin mo ba ako?" tanong ko sa kaniya. "Oo dahil tunog ng tunog ang tiyan mo, masyadong maingay nakakairita," sabi niya sa akin. "Kwangyeon naman eh, pakiss muna kung iihawin mo ako sige isa lang. Masaya akong i-aalay ang katawan ko para kainin mo pero mas gusto kong kainin mo ako sa ibang paraan, you know. Hindi natin kasi nagawa iyon dati kasi may sakit ako, tapos nalalandian ka pa sa akin..." sagot ko sa kaniya. Inilapag niya ako malapit sa apoy na ginawa niya at hinagisan niya ako ng kamote shoot pa sa mukha ko. "Ayan ihawin mo tapos kainin mo," sabi niya sa akin napangiti ako dahil doon. "Talaga? sabi ko na ba mabait ka pa rin eh!" sabi ko sa kaniya at kukunin ko sana yung kamote pero naalala kong nakatali ako "Tanggalin mo muna tali ko," pahabol ko sa kaniya na iinom na nasa ulit. Naiinis naman siyang lumapit sa akin at tinanggal ang tali ko ang lapit niya sa akin para na nga niya akong nayayakap sa pagtanggal niya ng tali ko. Nahihiya tuloy ako kasi wala pa akong ligo at amoy mandirigma na ako tapos siya ang bango bango niya pa rin kahit walang ligo. "Salamat," sabi ko sa kaniya ng mapakawalan na niya ako. "Tandaan mo ito, sa oras na tumakas ka o may gawing masama hindi ako magdadalawang isip na patayin ka at paghiwahiwalayin ang katawan mo." saad niya sa akin. "Angkinin mo na lang katawan ko, bet ko pa." sagot ko sa kaniya. Tatalikuran niya sana ako pero hinawakan ko ang kamay niya, nagkatinginan kaming dalawa. "Pwede bang.. ano..." sabi ko sa kaniya at nakagat ko ang labi ko. "Anong nais mo?" tanong niya sa akin. "Dito ka muna sa tabi ko, samahan mo akong kumain," sabi ko sa kaniya at hinintay ko na maluto ang kamote habang hawak ang kaniyang braso para di siya makaalis sa aking kamay ko. "Bitawan mo nga ako kung 'di kakainin kita." Banta niya sa akin. "Sige anong mas gusto mo? Kakain kasama ko o ako ang kakain sa'yo?" tanong ko naman sa kaniya at saka ako kumindat sa kaniya. "Anong klaseng babae ka? Nakakarindi ka. Wala talagang lalaki ang mananatili sayo kung ganyan ka. Hindi ka desente," sabi niya sa akin. "Ikaw lang naman ang nilalandi ko kaya bakit pa ako magiging desente?" nakakaloko kong tanong sa kaniya. "Baliw ka na..." bulong n'ya, nagkaroon ng katahimik dahil doon. Wala akong madinig kung ang masayang t***k ng puso ko dahil sa saying nararamdaman ko. Kasama ko s'ya ngayon, kasama ko siya... Sumandal ako sa kaniya at bigla naman niya akong binatukan dahil doon. "Ano ba?! Sumasandal lang naman ako enakakangawit kaya magihaw!" sigaw ko naman pabalik sa kaniya. "Di mo kailangang sumandal sa akin, saka ang kapal ng iyong mukha para gawin 'yon. Hindi ka ba natatakot sa akin?" tanong niya sa akin. "Hindi," simpleng sagot ko sa kaniya at tiningnan ko kung luto na yung kamote. Natahimik naman siya at hinati ko yung mainit na kamote. "Kain ka," aya ko sa kaniya pero tinitigan lang niya ako. Huwag mo akong titigan ng ganyan dahil baka matunaw ako. ***** SUNGMIN POINT OF VIEW "NAKUHA ng mga tauhan ni Kwangyeon si Ginny. Ano nang gagawin natin?" tanong ng isa aking mga katiwala habang nagpupulong kami kasama ang itim na prinsipe. Hindi ako makasagot dahil sa nalaman ko na si Bona ang gumawa noon, Inamin niyang kinausap niya si Suji upang dalhin si Ginny kay Kwangyeon upang di na makaistorbo pa sa aming relasyon. "Hayaan mo na siya doon, Sungmin..." sabi ng itim na prinsipe sa amin. "Dinukot siya at dinala kay Kwangyeon kaya bakit natin siya hahayaan doon?!" sagot ko sa kaniya. "Pwede nating gamitin na pagkatataon si Ginny. Kapag nakuha niya ang loob ni Kwangyeon maari natin siyang maging daan upang mapatay siya na hindi kinikitil ang buhay ni Bona." sabi naman nito sa akin. "Gusto mong gamitin siya upang matalo natin si Kwangyeon?" tanong ko pabalik sa akin. "Oo dahil iyon ang mahalaga, susubukan natin siyang iligtas pero 'di natin itutuloy at iiwan pa rin natin siya doon upang maging espiya" "Ngunit mahal ni Ginny si Kwangyeon at nagmamahalan ang dala--" "Ayon lamang iyon sa kwento niya, mahirap paniwalaan na pwedeng magmahal ang isang bampira na gaya niya!" sabat ni Bona sa aming paguusap. "Paano kung possible talaga na magmahal ang itim na bampira?" tanong ko kay Bona. "Bona, naniwala ka na pwede at kaya ko ring magmahal, bakit napakaimposible sayo na paniwalaan na mahal siya ni Kwangyeon?' tanong ko sa kaniya. "Saka ang gusto niyong gawin ay ipain si Ginny, hindi siya nakatira rito at maari siyang mamatay kung malalaman ni Kwangyeon na gagamitin lamang natin siya." "Kung nais mong mapuksa ang kadiliman, kailangan mong magsakripisyo ng buhay," sagot ng itim na prinsipe. "Ang sabihin mo Sungmin, mahalaga na sa iyo ang dayuhan. Mas gusto mo ba siya kaysa sa akin? Kaya mo ba siya gustong iligtas?" tanong ni Bona sa akin. "Hindi Bona, maari lamang mangyari iyon kung itutuloy mo ang pagiging makasarili mo," sagot ko sa kaniya. "Tama ako, gusto mo na nga ang dayuhan na 'yon!" sigaw niya sa akin. Wala siyang tiwala sa pagmamahal ko sa kaniya, masakit isipin na parang 'di ako importante kay Bona. "Ililigtas ko si Ginny at ibabalik siya dito. Hindi ko hahayaan na mapunta siya sa panganib dahil sa atin." "Bakit di mo na lang siya pabayaan. Hindi ba ito ang gusto niya, ang makasama ang masamang bampira na iyon?" "Ang gusto niya ay maalala ni Kwangyeon lahat ng pinagsamahan nila. Bona, mahal ni Ginny si Kwangyeon at ganon din ang nararamdaman ng bampira sa kaniya. Alam ko iyon!" "Nahihibang ka na Sungmin, paano mo naman napatunayan iyan?" tanong niya sa akin. "Noong araw na umalis si Ginny at nakita natin siya sa kainan, ibinigay ni Kwangyeon ang damit niya dito at ng pauwi na kami. Nakita ko si Kwangyeon na lihim siyang minamasdan at sinusundan. Ilang araw niya itong ginagawa at sa tuwing makikita niya si Ginny na ngumingiti. May kislap na sumusuon sa kaniyang mga mata." "Kaya ako naniniwala na pwedeng mangyari ang sinasabi ni Ginny. Naniniwala ako na maaari nating puksain ang kasamaan niya na walang buhay na isinasakripisyo. Kailangan lang nating maniwala kay Kwangyeon," sagot ko sa kanila. Tumingin sa itim na prinsipe. "Kung nais talaga nating tapusin ang kadiliman na ito, huwag na tayong magtraydor pa sa kahit na sino at magsakripisyo ng buhay," sabi ko sa itim na prinsipe. "Hindi ako papayag sa nais mong mangyari Sungmin, ipagpatawad mo," sagot niya sa akin. "Sa oras na bumaliktad ka sa totoong misyon, hindi ako magdadalawang isip na palitan ka ng ibang bampirang mas matapang at magaling kesa sa'yo." Dagdag pa niyang banta sa akin. Uminit ang aking ulo at saka ako lumabas ng kwarto upang mapag-isip saglit. Sinundan naman ako ni Bona na paulit ulit tinawag ang aking pangalan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD