Chapter 19: Kidnapped
"TEKA, so ang sinasabi mo hinalikan kita kanina?" malakas kong tanong kay Sungmin ng mahimasmasan ako dahil sa alak na nainom ko.
"Oo, nahalikan mo ako at nakita iyon ni Bona," sagot niya sa akin.
"Kung nahalikan lang kita, siguro naman di ka nagrespond saka dapat tinulak mo ako agad!" sabi ko sa kaniya.
"Yun na nga yung mali," sabi niya sa akin at kinamot niya ang ulo niya. Nagkunot ang noo ko habang nakatingin sa akin.
"Ano?" tanong ko sa kaniya.
"Hindi kita natulak sa nangyari halik Ginny. Sa halip tinungunan ko at nakita ito ni Bona ang mga pangyayari kaya galit na galit siya sa akin ngayon," sabi niya sa akin.
"Oh My God!" malakas kong sigaw at napahawak sa lips ko.
"So yung panaginip ko na nagki-kiss kami ni Kwangyeon eh ikaw pala?" tanong ko sa kaniya.
"Oo, ipagpatawad mo Ginny. Hindi ko sinasadyang abusuhin ka," sabi niya sa akin. "Siguro dala na rin nang kalasingan at kalungkutan kaya nangyari 'yon." Dagdag pa niya sa akin.
"Wait! Wait! Wait! yung lips ko na para kay Kwangyeon, ano na lang sasabihin niya? Baka isipin niyang napakahaliparot kong babae tapos magbreak kami No! No! No!" sigaw ko sa kaniya habang nagaacting pa ako. Muntikan na nga akong sumayaw ng No, No, No ng Apink e' pero kahawig ko pala si Krystal ng F(x).
"This aint happening in my life, Oh no!" sabi ko saka ako lumuhod para mas benta ang drama ko.
"Wag kang kumilos na para bang pinagsamantalahan kita, nahalikan lang kita at nahuli tayo ni Bona" sabi niya sa akin.
"Anong gusto mong gawin ko ngayong nahuli tayo ni Bona?" tanong ko pabalik sa kaniya.
"Kumbinsihin mo siyang wala lang ang nangyaring halikan natin," sabi niya sa akin at hinila niya ako papunta sa kwarto kung nasaan sila Bona at ang iba pa. Lumabas pa nga ang ilang alipin doon at tumingin ng masama sa akin na para bang napakalandi kong babae.
"Paano ko gagawin 'yon?! Nakita niya gumagalaw ang labi mo sa labi ko. Ano 'yon naaksidente ang lips mo at nadulas sa labi ko?!" tanong ko muli sa kaniya pero nilabasan lang niya ako ng pangil at red eyes.
"Oo na, kakausapin ko na siya leche ka." Sabi ko sa kaniya at pumasok ako sa kwarto. Nakita kong taimtim na nag-uusap ang gisaeng na si Taeyeon at si Bona, hala! Nahurt nga siya doon sa kiss namin.
Hurya naman kasi Ginny eh, napaka careless mo.
"Bona..." tawag ko sa kaniya, pinapanood naman ni Sungmin mula sa malayo at halatang ginagamit ang skills niya para makinig sa paguusapan namin.
"Bakit ka andito, hindi ka pa ba nakuntento sa gulong nagawa mo?" tanong ni Taeyon sa akin.
"Hello, Taeyeon! Kayo pa ba ni Baekhyun, diba cover up lang yung Baekyeon para macover up ang issue ni Kris Wu..." natigil ako dahil masama ang tingin niya sa akin, gano'n din ni Bona. Nasa Joseon pala ako, kasalanan ko bang tanungin ko siya ng gano'n e hawig at kapangalan niya si Kim Taeyeon ang pinag kaiba nga lang nila e Byun ang apelyido nang Taeyeon na nandito sa Joseon.
"Sabi ko nga fake 'yon, saka hindi naman yung chismis ang pinunta ko. Ikaw, Bona... tungkol sa nangyari kanina." Pagpaalam ko sa kaniya pero inirapan lang niya ako.
"Ipapaliwanag ko lang kung 'di baka ubusin ni Sungmin ang dugo ko." Napatingin ako sa labas at nakita kong nakapangil siya sa pinto. Pinagbabantaan ako para kausapin si Bona.
"Hindi ko naman sinasadya yung mga happenings, bunga lang talaga iyon ng alcohol. Nakainom kasi ako nawala sa isip ko na mabilis pala akong malasing tapos ina--"
"Mang-aagaw ka!" sigaw niya sa akin. Sinubukan pa nga niya akong sabunutan eh.
"Sorry Bona," sabi ko sa kaniya at napahilamos ako ng kamay ko sa aking mukha at saka ako kinain ng hiya ko. Grabe pala ang nagawa namin ni Sungmin, sigurado akong magagalit si Kwangyeon nito kapag nalaman niyang may ibang humalik sa akin.
"Anong sabi?" sabi ni Sungmin sa akin na para bang atat na siya,nabwisit tuloy ako.
"Ikaw na nga ang mag-ayos sa problema niyo! Ikaw tong nagpahalik sa akin tapos ako tuloy ang nasisigawan!''sigaw ko sa kaniya saka ako rumampa pabalik sa kwarto ko.
****
LUMIPAS ang ilan pang araw pero hindi pa rin sila nagbabati kaya ito naman si Sungmin dikit ng dikit sa akin nagtatanong ng mga hokage moves para makuha niya ulit si Bona. Sabi ko nga itulak na niya sa kama tapos i-kiss niya pero ayaw daw niya. Dapat daw galawang scholar. Eh ako kasi galawang pabebe lang ang alam ko kaya hanggang doon lang maipapayo ko.
"Dapat hindi mo tinitigilan si Bona, bakit naman biglaan ka yatang nag- give up at dumikit na lang sa akin? Now is the perfect time, suyuin mo na sa romantic na damuhan." Pangbubuyo ko kay Sungmin. Paano kasi, imbes na suyuin si Bona eh dikit ng dikit sa akin.
"Eh tinatakwil nga niya ako saka doon siya pumwesto malapit sa araw, masusunog naman ako kapag um-epal ako," sagot naman niya sa akin at tiningnan niya ang balat niyang namumula na dahil sa init. Napabuntong hininga na lang ako at saka tumingin sa paligid nang mapansin kong sobrang magubat na nitong dinadaanan namin.
"Saan ba tayo pupunta at kanina pa tayo lakad ng lakad," tanong ko sa kaniya.
"Maghahanap tayo ng ibang paraan upang mapatay ang bampira. Hindi ko kayang isakripisyo si Bona para lamang matalo siya," sabi niya sa akin.
"Bakit naman kasi kailangan pa i-sacrifice si Bona?" tanong ko sa kaniya.
"Kapag ininom ko ang dugo ni Bona magkakaroon ako ng lakas na pwedeng mapantayan ang kapangyarihan ni Kwangyeon. Kailangan kong patayin si Bona para lamang matapos ko siya," pagpapaliwanag niya sa akin.
Bakit kailangan pang buhay ang maging kapalit, mas maganda kung binigyan nila ng chance na magbago si Kwangyeon. Minsan kasi ang mga tao, sa taas ng pride ginagawa nilang kumplikado ang mga simpleng bagay. Pwede naman nilang kausapin, gusto pa nilang patayin.
"Mahal ko siya, ayoko siyang mawala sa akin dahil siya na lamang ang meron ako," dagdag pa niya sa akin.
"Hindi niyo naman siya kailangang patayin eh. Maniwala na kasi kayo sa akin Sungmin, mababalik ko si Kwangyeon sa pagiging mabuti niya," sabi ko sa kaniya.
"Sana ganyan din ang tiwala ni Bona sa akin, tiwala na buo," saad niya kasabay ng kaniyang buntong hininga. Mahina akong tumawa dahil doon.
"Sinira mo kasi ang tiwala niya nung nagkiss back ka sa halik ko. Pasensya ka na at nadamay ka pa sa pagkamiss ko kay Kwangyeon. Nahalikan tuloy kita, nakakahiya." sabi ko sa kaniya. Tumigil kami sa paglalakad. Tumingin si Sungmin sa paligid at inilabas ang kaniyang espada.
"Tumigil kayo, may tao sa paligid," sabi ni Sungmin at awtomatiko niya akong dinala sa likod niya. Si Kwangyeon, naalala ko nung nagiging protective siya.
"Huwag ako ang i-save mo, dapat si Bona," bulong ko sa kaniya.
"Ay, oo nga pala dapat magpa-impress ako gaya ng sabi mo," sabi niya sa akin. Tinuruan ko kasi s'ya kung paano magpa-impress pero s'yempre pinaliwanag ko muna sa kaniya ang meaning ng impress. Kailangan daw kasi niyang makuha muli ang tiwala ni Bona.
"Oo magpa-impress ka, tumambling ka papunta sa harap niya tapos buhatin mo siya. I-Dawn Zulueta mo!" saad ko sa kaniya.
"Sige, pero hindi ka ba mapapahamak kung iiwan kita?" tanong niya sa akin.
"Marami akong kinaing bawang para mabahuan ang mga vampires sa hininga ko," paninigurado ko sa kaniya. Dali-daling naglakad si Sungmin papunta kay Bona. Mamaya maya pa ay may mga kalalakihan na may pulang mata ang lumabas sa aming dinadaanan.
"Mga vampires!" sigaw ko at saka ako tumakbo para magtago. Agad naman na niprotektahan ni Sungmin si Bona .
"Anong ba ang ginagawa mo? Diba mas gusto mo si Ginny? Siya na lamang ang protektahan mo!"sigaw ni Bona sa kaniya at hinampas pa niya ng slight si Sugmin. Kumuha ako ng dahon ng bayabas saka ko ninguya nito, substitute sa popcorn dahil tinalo pa ng away nila ang kissing scene sa Barcelona: A Love untold.
"Ikaw ang aking mahal, ikaw ang aking gusto at ikaw ang aking poprotektahan!" sabi ni Sungmin at sinaksak niya ang isang bampira, ayun agad itong naging ashes!
"Astig!" sigaw ko sa kaniya mamaya maya pa ay may isang bampira ang tumalon sa harap ko kaya naman napasigaw ako.
"Ang binibini!" sigaw ng isang kawal na kasama namin.
"Hindi ako masarap, hindi niyo ako pwedeng kainin," sabi ko sa mga bampira pero ngumiti lang sila sa akin. Ang isa sa kanila ay kinuha ang kamay ko at agad akong hinila, para akong dinala ng hangin at ang sunod ko na lang na naramdaman ay ang pagkahilo.
Hindi kasi sila amoy heaven like Kwangyeon.
****
NAKARINIG ako ng sigaw ng isang lalaki, sa tono ng sigaw niya para itong takot na takot at inuubusan ng lakas. Minulat ko ang mga mata ko at nakakita ako ng mga bunton ng mga bangkay sa aking harap. Biglaan akong napaatras tapos nakita kong hinagis ang bangkay ng isang lalaki na walang buhay. Napatingin ako sa direksyon kung saan nanggaling ang nanghagis at nakita ko ang isang lalaki. Si Kwangyeon ang nakita ko.
"Nagising ka na pala, dayuhan," sabi niya gamit ang malalim niyang boses pero hindi ako nakasagot. Pwera sa gulat ako sa bunton ng mga bangkay na andito. Hindi ko rin alam kung ikikiss ko ba siya eh ang dami niyang blood sa lips.
Pinunasan ni Kwangyeon ang labi niya at lumapit sa akin. Yung sobrang bilis, sa isang iglap nasa harap ko na siya. Naku, na-excite ata siya at gusto na akong ikiss. Namern, 'wag muna mumug muna me.
"Sa wakas, nasa harap na rin kita," sabi niya sa akin.
"Ngayon masasagot ko na kung bakit nanabik ako sayo at sa dugo mo," dagdag pa niya sa akin at hinaplos niya ang pisngi ko.
"Hindi ka ba natatakot sa akin?" tanong niya sa akin.
"Mas naakit ako sa mga babaeng natatakot at nanginginig. Nasasarapan ako do'n," sabi niya sa akin.
Ito rin yung linya sa akin nung unang kaming magkita eh, pero keri lang. Gwapo pa rin kasi siya habang sinasabi ang gasgas niyang line.
Naamoy ko pa ang lansa ng dugo mula sa labi niya pero binalewala ko iyon. Gusto ko siyang yakapin ngayon pero di ko alam kung paano. Napansin ko na lang na umiiyak na ako pero hindi dahil takot ako sa kaniya. Dahil ito sa gusto ko ang lapit namin ngayon.
I don't want to let this moment end.
Gusto ko nasa harap ko lang siya, nasa harap ko at nakatingin sa akin ayokong iwanan niya muli ako. Mas gusto kong mamatay ng kasama siya kesa ang mabuhay ng wala siya.
At wala akong pakialam kung isa lang siyang kwento o kaya mito.
It won't define what he did to bring out the best in me.
Para sa akin siya ang lalaking mahal ko, ang dahilan kung bakit ako buhay ngayon.
"Wag ka nang umalis ulit," sabi ko sa kaniya at hinawakan ko ang kamay niya nabigla siya at saka niya pinalo ang kamay ko.
"Hi - Hindi mo na ba talaga ako naalala Kwangyeon ha?" tanong ko sa kaniya at humarap siya sa akin pero ngiti ang ibinigay niya sa akin.
"Bakit naman kita maalala kung hindi kita kilala?" tanong niya pabalik sa akin. Kinuha niya ang braso ko at halos baliin niya ito napasigaw ako sa sakit at hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Hi - hindi mo na - na ba ako naalala? Kwangyeon kung papatayin mo ako alalahanin mo muna ako!" halos sigaw ko at pilit kong sabi sa kaniya pero walang kwenta dahil mas lalo pa siyang naging agresibo. Sinakal niya ako at inangat sa ere nang walang kahirap hirap. Kitang kita ko ang pagpula ng kaniyang mga mata, balak niya talaga akong tapusin.
Desidido siyang patayin ako.
Sa isang iglap parang dapat ko ng tanggapin ito pero kahit na ganon, masaya pa rin ako kasi nakita ko siya at nayakap.
"Mahal kita," bulong ko sa kaniya at lumuwag ang kaniyag hawak sa akin tinapon niya ako sa kumpol ng mga bangkay sa lapag. Ramdam na ramdam ko ang sakit ng pagtilapon ko tapos nalagyan pa ako ng maraming dugo sa katawan.
Pero hindi iyon ang mahalaga.
"Sino ka ba talaga?" malakas niyang sigaw sa akin.
"Nobya mo nga ako," sigaw ko pabalik sa kaniya na kinagulat niya. Inipon ko ang lakas ko at saka ako tumayo at lumapit sa kaniya. Agad ko siyang sinampal ng malakas ng makalapit ako sa kaniya.
"Bakit mo ako sinampal? Hampas lupa kang babae ka!" singhal niya sa akin.
"Aba, sasagot ka pa ha?! Sige, ie-elaborate ko kung bakit kita sinampal!" sagot ko sa kaniya.
"Itong sampal na to, para sa pagsakal sa akin gago!" sabi ko sa kaniya muli ko siyang sinampal.
"Ito naman sa pag-iwan sa akin kahit mamatay na ako!' sigaw ko sa kaniya sasampalin ko pa sana siya ulit pero napigilan niya ang aking kamay.
"Walang karapatan na saktan ako o hawa--"
"Wala ka ring karapatan na iwanan ako kung nangako kang mananatili ka sa tabi ko hanggang sa mamatay ako o gumaling ako!" sigaw ko sa kaniya at bumitaw siya ng hawak sa akin.
It hit him, I know that it hit him.
"Nangako ka eh, sabi mo sasamahan ako hanggang sa huli pero nawala ka. Nagmukha akong tanga kakahintay sa'yo alam mo ba 'yon!" sigaw ko sa kaniya at mahina ko siyang hinampas hampas sa kaniyang abs.
"Mukha akong tanga kasi mahal pa rin kita kahit nakalimutan na kita," dagdag ko sa kaniya.
"Mukhang nagkakamali ka binibini. Hindi ako ang lalaking tinutukoy mo," sabi niya sa akin.
"Hoy, nagkacancer lang ako sa utak pero malinaw sa brain ko kung ilan ang abs ng lalaking minahal ko. 8 yun! at ikaw 8 din abs mo kaya tumamihimik ka diyan, proof of evidence na yang abs mo. Ebidensya na ikaw si Kwangyeon na mahal ko!" sigaw ko sa kaniya.
"Eh hindi nga kita kilala at 'di din ako ang tinutukoy mo!" saad niya at pumito siya. Mamaya maya pa ay nandyan na ang mga bampirang dumukot sa akin.
"Sa inyo na ang dilag na iyan, pagsaluhan niyo na ang kaniyang dugo!" utos niya dahilan para manlaki ang aking mga mata.
Ipapakain niya ako?! Siya lang ang pwedeng kumain sa akin!
"Sarap!' sigaw ng isang bampira at inilapit na ang pangil niya sa leeg ko.
"Panginoon! Anong ginagawa niyo sa kaniya?!" nadinig ko na sigaw ng isang bata. Si Minah.
"Huwag kang makialam dito, Minah!" singhal niya sa bata.
"Wala namang ginagawang masama sa inyo si Ate Ginny, panginoon! Huwag niyo na siyang ipakain sa mga bampira n'yong pangit! Kayo na lang kumain sa kaniya," suwestiyon niya dito.
"Ay grabe ka ha? Akala ko ipagtatanggol mo ko," sabi ko sa kaniya.
"Pasimple ka pa pero gusto mo ring magpakain sa panginoon ko. Huwag ka nang magreklamo sa suwestiyon ko." saad niya sa akin.
"Sabagay tama ka naman." Pag sang-ayon ko sa kaniya.
"Panginoon, pakiusap bigyan niyo po nang pagkakataon si Ate!" pakikiusap niya kay Kwangyeon. Kinagat ni Kwangyeon ang labi niya at nagsugat ito, dinilaan niya ang sarili niyang dugo.
How to be that blood? Chos, 'di na nga ako haharot baka matuluyan ako nito.
"Sige na, tumigil na kayo. Maghanap na lang kayo ng ibang biktima. Akin ang babaeng 'yan," utos niya sa mga bampirang nandoon.
Napatigil ang mga bampira at nagsialisan ang mga ito. Agad na lumapit si Minah. Para akong nanghina bigla nang may na-realize ako. Ibang-iba si Kwangyeon ngayon, walang hesitation at balak niya talaga akong ipakain.
"Binibini, hindi ka po ba nasaktan?" tanong niya sa akin. Hindi na ako nakasagot pa kay Minah dahil sa nararamdaman ko...
Dahil sa mga naiisip ko.
Hindi si Kwangyeon ito, hindi talaga s'ya ang Kwangyeon na kilala ko.
"Minah itali mo siya at siguraduhin mong hindi makakatakas ang dayuhan na iyan. Irereserba ko ang dugo niya bilang pagkain sa nalalapit sa pagkatalo ni Sungmin," sabi ni Kwangyeon at ngumiti ito ng nakakaakit este malademonyo at umupo sa kaniyang trono na parang hari.