"Mama, bagay na bagay sa 'yo itong magandang dress. Gusto ko ring magsuot ng ganyan." "Talaga? Sabihin natin kay papa?" "Opo, mama." Tuwang ani nito. "Basta magpapakabait ka sa Mamita Rein at Lolo Landon." Sila muna ang magbabantay. Umuwi talaga sila sa hacienda para lang bantayan ang dalawang bata. Hindi kakayanin ni Lola ang dalawa, wala ring ibang pwedeng magbantay. Kahit iyong kinalakihang pamilya ni Andeng ay hindi mapagkakatiwalaan. A-attend din si Andeng. Handa na nga rin ang isusuot nito. Dumating iyon kasabay ng sa akin. Inalok kami ni Storm na sa bahay na lang nila mag-ayos. Pero hindi na kami pumayag ni Andeng. Feel daw n'yang dito mag-ayos, tapos magpapasundo na lang daw kami para lumuwa ang mata ng mga taga-barrio. Hinayaan ko na lang siya sa trip n'ya. Bukod sa party ma