Malakas ang kabog ng dibdib ko habang naghihintay nang hudyat para maglakad. Nang si Tempest na ang naglakad ay todo ang dasal ko na seseryosohin nito ang itinuro rito. Flower girl siya, iyon daw ang gusto n'ya. Hawak na n'ya ang basket n'ya. Naglalakad na ito na normal naman no'ng una. Pero sa kalagitnaan ay umupo na ito na ikinatawa ng mga bisita. Si Andeng na nasa unahan ko ay tumatawa. Sinilip ko ang anak ko. Lumakad na si Elio. Pero dahil nasa gitna pa si Tempest ay umupo na rin ito. "Elio, tignan mo ito oh!" sabay buhos ni Tempest ng petals. Sinesenyasan na sila. Pero parang walang naririnig ang mga ito. Si Thunder na ang kumilos para lumapit sa kanila. May ibinulong sa dalawang bata. Saka sila tumayo at pinagtulungan ilagay sa basket ang petals. Si Thunder ay naglakad na hawak a