Madalas pa rin akong nagugulat na masagana ang hapagkainan namin. Nasanay na lang din kasi na kamote o kaya mais ang almusal. "Elio, ba-bye! Magpapakabait ka kay Mama Andeng." Pakiramdam ko'y mas kailangan ni Tempest ang habilin n'yang iyon. Mas kailangan n'yang magpakabait. Ngayong araw nga pala ang alis ni Elio at Andeng. Nadaan sa pakiusap ni Mama Precious na roon matulog sa bahay n'ya kahit isang linggo lang. Kami naman ni Tempest ay hindi sasama. May pasok kasi si Storm. Walang maghahanda ng pagkain ng lalaking iyon. Oo, si Storm ay rito muna mananatili sa kubo. Habang wala si Andeng at Elio. "Tem-tem kambal, ikaw dapat ang sabihan n'yan. Magpakabait ka kay Mama Anais. Huwag mo nang uulitin iyon pakikipag-away sa kalsada." That... nakipag-away nga si Tempest kahapon. Nakapuslit a