"Totoo ang sinasabi ko! Lahat ng mga naging tsismis patungkol kay Anais noon ay hindi totoo. Si Sir Storm mismo ang naglinis sa pangalan ni Anais sa party sa eskwelahan." Naglalakad kami ni Andeng pauwi buhat ang dalawang bata nang madaanan namin ang umpukan. Kusang naging mabagal ang paglakad namin. Saka tuluyang huminto. "Aba'y kotang-kota itong si Bajing at Ester doon sa dalawa. Isa pang balita. Ikakasal na raw itong si Anais kay Seniorito Storm. Ibig sabihin ay magiging Seniorita na rin si Anais. Magiging ma'am na natin. Magiging amo na natin." "Hays, hindi naman n'ya bagay. Mas bagay pa rin n'yang maghukay ng kamote sa taniman." Nakaingos na ani Aling Ester. Kumilos kami ni Andeng patungo sa upuan sa harap ng tindahan. "Oo nga. Ang bagay kay Anais ay magkamote na lang. Ayos din a