"Andeng, huwag ka nang umuwi sa barrio. Tabihan mo na lang ang anak mo't masarap na ang tulog." Nang makauwi kami sa mansion ay gising na gising pa si Seniora Rein at si Senior Landon. Nauna lang kasing umuwi ang lalaki kaysa sa amin. "Ikaw Anais, nasa kwarto ni Storm si Tempest. Doon ka na matulog." "Gabi na. Makinig kayo kay Rein." Paano pa kami tatanggi ni Andeng. Kung seryosong na iyong sinabi ni Senior Landon. "Sige po." Sagot na lang namin. Inihatid si Andeng sa silid kung nasaan si Elio. Ako naman ay isinama ni Storm sa silid n'ya. Medyo nahihiya pa nga ako. Pero mas nakakahiya namang umuwi tapos maiwan si Tempest dito. Pagpasok ko'y si Tempest agad ang hinanap ko. Agad tumayo mula sa couch ang kasambahay na nagbabantay sa batang natutulog sa kama. Nag-excuse ito na lalabas