"N-alaman ni Silong ang plano ni Pamara at Jane. Nakita n'ya si Jane at Pamara na nag-uusap noon sa bukana ng barrio. Si Pamara talaga mismo ang kumuha ng mga video na iyon at ibinigay n'ya kay Jane ng araw na iyon. Nakita at narinig n'ya kung paano nila pinagplanuhan na sirain si Anais at Storm. Kinompronta ni Silong ang dalawa. Naagaw rin n'ya iyong cellphone na may original copy ng mga video... kaya naman ipinahabol ni Jane sa mga tauhan n'ya si Silong. Ipinahabol hanggang sa makarating sila sa bundok... doon sa parte kung saan may bangin. Walang kalaban-laban ang anak ko no'n. Nakita ko ang mga pangyayari. Nang mabawi ng mga tauhan ang cellphone ay si Jane at Pamara mismo ang nagtulong para ihulog ang anak ko. Balak sana nilang isunod ako. Pero nagmakaawa ako sa kanila. Sinabi ko na ak