"Nakapag-usap kayo?" tanong ni Storm sa akin. Tulog na yata ang lahat, kaya nakuha na nitong lumapit sa akin. Abala ako sa paghuhugas ng plato nang magtungo ito sa kusina at tanungin ako ng gano'n. "Oo." "Tayo ba ay pwede nang mag-usap? Kung hindi pa ay okay lang din naman." "Mag-usap na tayo. Tapusin ko lang ito." "Sige. Gusto mo bang ipagtimpla kita ng gatas?" "Ayos lang. Huwag na." Pero kumuha pa rin ito ng baso at kutsara at nagtimpla ng gatas. Nang tinutuyo ko na ang kamay ko'y inabot n'ya iyon sa akin. "Tara sa garden mo, Storm." Tumango naman si Storm. Saka sumunod sa akin. Ininom ko pa rin naman ang gatas, sayang din naman iyon. Umupo kaming dalawa sa bench. Parehong tahimik no'ng una. Pero hindi rin naman nagtagal at nagtanong na ako rito. "Anong nangyari, Storm? Bakit big