"Libre po ang food dito? Bakit wala kang pera?" gulat na gulat na ani ni Tempest. Ang ginang na tinawag ni Storm na Tita Batsy ay natigilan. Kukunin na sana n'ya ang card ni Storm. Pero narinig na nito ang ibinulalas ni Tempest. "O-oo naman, libre na lang sa 'yo. Tago mo na iyan, Storm." Nagpipigil ng ngiti si Storm. Sabi kasi ni Storm ay magbabayad na siya. Pero wala naman siyang inilabas na pera. Ewan ko ba kung bakit naibulalas ni Tempest iyon. Nahiya tuloy maningil ang ginang. "Grabe po, ang babait po ng mga Lola rito sa The Alpha's town. Gusto ko na po yatang tumira rito. Hindi po problema ang pera." "Naku! Kahit araw-araw ka pa rito, Tempepe." At ginaya pa nga ang tawag nila Andeng sa anak ko. Hindi na talaga nagpabayad ang ginang. Nang umalis kami ng The Alpha's Foodie ay baha