"Nakipag-away ka sa labas? Dapat tinimbrihan mo ako." Tulog na ang mga bata. Kami ni Andeng ay narito sa labas ng kubo at nagpapahangin. "Andeng, sobrang sumabog lang talaga iyong inis at galit ko. OA man, pero iyong marinig kay Storm na matigas ang ulo ng anak ko'y sobra talagang nagrebelde ang puso ko. Hindi ko matanggap na ang taong magsasabi pa no'n sa bata ay isang ama na walang ambag sa buhay naming mag-ina. Iyong galit at inis ko kay Storm ay nadagdagan pa dahil sa mga matatandang tsismosa." "Natakot iyong anak mo, iyong dalawang bata'y natakot." "Sorry, Andeng. Hindi ko rin inahasan na makikipagbasag-ulo ako ng gano'n. Kilala mo ako. Mahaba ang pasensya ko sa mga bagay-bagay. Kanina... hindi ko talaga na kontrol ang sarili ko." "Hayaan mo na, naipaliwanag naman namin sa mga b