Sinubukan kong agawin ang phone na hawak nito pero agad nitong naibalik iyon sa bag n'ya. "Kahit makuha mo ito ay may kopya na ako. Matinik ka ring lalaki ka, eh 'no? Nakuha mo agad ang hihinhin-hinhin na babaeng iyon. Sa falls pa talaga? Ibang klase talaga ang mga tagasiyudad." Tumawa ito na parang hindi nito anak ang nasa video. Hindi nga. Kung totoo ang sinabi n'yang si Miss Janel ang ina ni Anais, hindi n'ya nga talaga anak ang kasintahan ko. Pero malabong si dad ang ama ni Anais. Hindi ko iyon matatanggap. "Anak mo si Anais." "Anak? Naging ina ba ako sa kanya? Hindi. Hindi ko siya anak. Iniwan lang siya ni Janel sa akin. Bakit ko mamahalin iyong batang hindi naman akin?" tumawa pa ang ginang. Nakaramdam ako ng labis na awa para sa kasintahan ko. "No'ng nabuntis siya ng ama mo'y u