Bago ako sumunod sa mga kasama ko'y napansin ko pa ang pagsunod ng gwapong owner ng private resort na ito roon sa magandang babae. Inaagaw ni Theo ang hawak na beer-in-can ng babae. Kaso ilang ulit nitong iniwas pero nakuha pa rin naman. Kaysa mahuli na namang pinanonood sila ay nagpasya akong lumakad na. Sinubukan ko sina Storm sa restaurant. May restaurant pero ilan lang naman ang customer ng resto na ito. "Gusto ko lahat iyan." "Tempepe, pipili lang tayo ng isa o dalawa. Hindi natin mauubos iyan. Sayang ang pagkain. Ano na nga ba iyong palaging turo ni Mama Anais? Huwag tayong magsasayang ng pagkain, 'di ba?" Nanulis ang nguso ng bata. May iniabot na robe sa akin ang staff kaya tinanggap ko at agad na isinuot. Bago ako lumapit sa table ng mga kasama ko. Umupo ako sa bakanteng upua