Masakit ang ulo, pati na rin ang katawan. Nagising ako sa gano'n estado ng katawan ko. Dahan-dahan pa akong bumangon at hinilot ang sintido ko dahil para iyong pumipintig sa kirot. Nang maayos kong maimulat ang mata ko ay bumagsak sa nakalabas kong dibdib ang mga tingin ko. Agad na namilog ang mga mata sa labis na gulat. Nang gumalaw ang katabi ko ay agad akong napalingon. Instinct na lang, agad na lumapat nang pagkalakas-lakas ang palad ko sa pisngi ng lalaki. Takot pang hinila ko ang kumot at itinakip sa katawan ko. Dahilan para mahila sa kanya nag kumot at humantad ang hubad n'yang katawan. "Ouch!" daing ni Storm. Napasapo sa pisngi n'ya. "G-ago ka, anong ginawa mo?" takot na ani ko sa lalaki. "Miss ma'am, bakit mo naman ako sinampal?" reklamo ng lalaki. Pero nanlilisik na a