Mayor Miguelito Sanchez "It's negative, hon." Iniabot sa akin ni Jane ang resulta ng DNA. "Ang bilis naman. May result na agad?" nakadama ako ng disappointment sa narinig ko. "Pinamadali ko na, hon. Excited na rin naman akong malaman kung anak mo nga ba si Anais. Pero nakakalungkot ang result. Negative, hon." Napatitig ako sa papel na ibinigay nito. Daig ko pa ang na brokenhearted sa resulta. Ilang gabi na akong nagdadasal na sana nga anak ko siya. Pero ito ang papel na nagpapatunay na negative. "Paano ka nakakuha ng sample, hon?" "I asked someone para manguha ng sample sa barrio." Tumango-tango ako. "Oh, huwag ka nang malungkot." "Umasa lang ako, hon. Alam mo naman. Matagal ko nang pangarap iyan. Hindi lang talaga pinalad. Hindi lang tayo pinalad dahil sa kondisyon ko." "At hindi