"Oh my gosh!" Napatingin kami kay Min na bigla bigla na lang nagsasalita. Biruin mo busy kayo maglakad at excited na dahil sa malapit na kayo sa safe haven nyo tapos bigla magsasalita ang kasama mo? Sino ba naman ang hindi magugulat dun di ba? "Bakit Min may problema ba?" tanong ni Yana at napatingin kami lahat kay Min. We once again walked and then huminga sya ng malalim at saka nagsalita. "The wind tells me or rather- Kassey's telling me that there is something going on in the front of safe haven, that we must not go there." We halted. "Anong pangyayari?" nag aalalang tanong naman ni Jullia. Nagkibit balikat naman si Min. "Hindi ko alam pero sure naman ako na walang nangyari sa kanila." "Eh bakit hindi tayo pinapapunta sa front gate?" tanong naman ni Yana. Pumikit naman ako at sa