"What the heck? Ano nangyari dito?" Pabulong na tanong ni Yana. Walang nakasagot, malamang wala sa amin ang may isang alam pero isa lang ang nasisigurado ko na "May naatake dito." I told them. "Bilisan na natin. Lahat ng pwedeng makuhang seeds kunin nyo. Mapa-gulay man o puno." "Bulaklak?" Tanong ni Min habang hawak ang isang paso. "Basta hiwa-hiwalayin nyo ng lagayan. Sa isang paradox bag ang mga gulay, sa isa ang mga puno at sa isa mga bulaklak." Tumango naman sila sa sinabi ko. "Ilang shop ba ang papasukin natin dito?" Tanong naman ni Jullia. "Mukhang hindi nakakalabas lagi lagi ang mga tao sa underground." Dagdag pa nya. "Halata naman na hindi nakakalabas lagi dahil sa takot nila sa mga undead and pagdating naman sa shop na papasukin natin sabi ni Aira at Kass lima ang garden shop