Emilia’s POV
Sana lahat ng buhay ay kasing ganda ng sinag ng araw sa umaga. Sana kasing tahimik ng kagubatan ang bawat mundong tatahakin. Nawa’y lahat ng tao sa mundo ay tulad na lang ng isang bangka na kahit gaano man kalakas ng alon sa dagat ay magagawa pa rin nitong makisabay sa alon.
I did a deep sigh. Habang nakatingin sa magulong karsada ay dahan-dahan akong sumimsim sa kape na hawak ko ngayon.
Ngunit hindi…
Hindi tulad ng bagong sikat na araw sa umaga, tahimik na kagubatan at isang bangka na kayang makisabay sa malalakas na alon sa karagatan; ang buhay ay parang lugar na aking kinagisnan. Ang lugar sa gitna ng magulong karsada at ang malalakas na boses ng naghahabulan na kapit-bahay.
Siguro ganito na talaga ang buhay na meron ako. Hindi ko na siguro pwedeng baguhin iyon.
“Ate, baon ko po?” Mula sa malalim na kaisipan ay bigla kong naibaling ang aking paningin sa likuran ko. It was Akisha. Nakatingin lang ito sa akin na alam kong naghihintay lang ito na iabot ko sa kaniya ang hinihingi nitong baon.
I smiled while looking at her innocent face.
Sampung taon pa lang si Akisha at murang edad ay sobrang maalalahanin n anito. She’s very considerate. Kahit pa sinabi ko sa kaniyang sampung piso lang ang maibibigay ko sa kaniyang baon ngayong araw ay walang siyang reklamo doon.
“Oo, bakit malungkot kang nakatingin sa akin? May problem aba?” tanong ko sa aking kapatid.
“Sabi kasi ng teacher naming ate ay may babayaran raw kasi ngayon na 100 para sa aming feeding program,” malungkot na saad nito at mula sa aking mga mata ay kaagad na bumaling ang tingin nito sa baba kung saan siya nakatayo. “Pero okay lang ate, hindi pa naman deadline.” Kaagad na dugtong nito.
Talagang hindi na niya hinintay ang magiging sagot ko.
Nitong nakaraang araw kasi ay lagi kong sinasabi sa kanila na huwag nilang ubusin ang kanilang baon para kung sakaling may babayaran man sila sa paaralan ay may ipon silang mabubunot.
Siguro napansin rin nitong bunso kong kapatid na walang-wala na talaga ako ngayon kaya hindi na niya hinintay pa na sumagot ako sa sinabi niyang iyon.
Muli na naman akong napabuntong hininga. Mula sa pagkakaubo ay kaagad akong tumayo at nilapitan ang aking kapag.
“Hindi mo man lang hinintay ang magiging sagot ko. Bakit?” tanong ko sa kaniya.
“Baka kasi gipit ka pa ate. Meron ako dito samping piso. Baon ko ito kahapon,” masigla nitong sambit.
“Ano? Hindi ka ba kumain kahapon? Kaya pala nangangayayat ka na. Hindi ba sinabi ko sa ‘yo na ibili mo iyon ng ulam gayong may binili na naman akong cookies at sandwich para sa snack ninyo ng kuya mo?”
“Kumain ako ate. Nagdala kasi ng ulam yong kaklase ko. Birthday niya.” Saad nito.
Napabuntong hininga na naman ako.
Kaagad kong binunot ang pera mula sa aking bulsa. “O, ito,” binigay ko sa kapatid ko ang dalawang daan. Nagulat ito sa binigay kong pera.
“A-ate. Isang daan lang po ang bayarin namin,” sambit nito habang nakatingin sa pera na nasa harapan. Hindi niya muna ito tinanggap at nanatili lamang na nakatingin rito. Halata naman sa kaniyang mga mata ang gulat.
“Kunin mo na, minsan lang nagbibigay ng pasobra si ate,” sambit ko sabay ngiti.
Nakita ko na rin na nakangiti si Akisha. Kaagad ko siyang nilapitan pa at saka niyakap.
Sana ganito na lang palagi. Iyong hindi ako maghihinayang na bigyan ng pera ang aking mga kapatid. Iyong tipong bubunot na lang ako ng pera mula sa aking bulsa at hindi na iisipin pa kung may matitira pa ba para sa pangangailangan naming sa bahay.
Sa kabila ng mga pagsubok sa buhay ay narito ang aking mga kapatid- sila ang nagsisilbing lakas at pag-asa ko sa tuwing nakakaramdam ako ng pagod.
Masaya ako sa tuwing nakikita ko silang masaya. Parang masasabi ko sa sarili ko na isa akong mabuting kapatid sa tuwing nabibigay ko sa kanila ang pangangailangan nila. Iyon bang pakiramdam na nagampanan ko nang maayos ang pagiging ate at magulang nila
“Sige na at baka malate ka na sa klase mo. Sinabihan ko na ang kuya mo na sunduin ka niya pag-uwi. Huwag na huwag kang uuwi kapag hindi pa darating ang kuya sa classroom,” paalala ko kay Kisha na kaagad naman itong tumango.
Hindi ko binitawan ng tingin si Kisha hanggang sa makawala ito sa aking mga mata.
Kaagad akong umupong muli at saka pinagpatuloy ang pag-inom ng aking kape.
Siguro nabubuhay na lang ako sa mundong ito para sa dalawa kong kapatid. Giving all their needs and secure their safety is the reason why I am still here; breathing ang fighting against all chanllenges.
Ilang araw na rin ang lumipas nang mangyari ang gabing iyon. Hanggang ngayon ay hinding-hindi ko pa rin malilimutan ang bawat detalye ng mga pangyayari sa sandaling iyon.
Sa desisyon na nagawa ko sa buhay ay iyon ang talagang pinakamahirap na limutin. Para bang hanggang ngayon ay binabalot pa rin ng pagsisi ang aking puso at para bang hindi ko masisikmura ang konsensya na palaging bumabalik sa aking isipan.
Habang nakatingin sa malayong parte nitong bahay ay kaagad na umagaw sa aking atensyon ang tunog ng aking cellphone. Kaagad ko itong binalingan ng tingin at saka dinampot.
“Ye—”
“Besh! Kumusta! Ilang araw kitang sinubukang tawagan pero hindi ka naman marereach. Akala ko hindi na kita matatawagan pa. Saan ka ngayon? Okay ka lang ba?” ang malakas na boses ni Jenny ang kaagad na bumungad sa kabilang linya. Ni hindi pa nga ako tapos sa sasabihin kong ‘hello’ ay nauna na siyang magsalita.
Nakalimutan ko na ngayon ko lang pala muling binuksan ang aking cellphone. Mahigit isang linggo rin itong nakapatay lang ay kailanman ay hindi ko ito sinubukan na buksan.
Siguro dahil sa nangyari noong gabing iyon kaya iniwasan ko muna ang aking cellphone lalo pa at maaaring kukulitin na naman ako nitong si Jenny.
Ngunit ito nga siya ngayon. Wala pang isang oras nang buksan kong muli ang aking cellphone ay kaagad siyang tumawag.
“O-okay lang naman. Bakit ka napatawag?” tanong ko sa kaniya na animo’y hindi ko alam ang maaari niyang sadya sa akin.
“Tinatanong pa ba ‘yan? Hello? Isang linggo ka kayang Nawala. Don’t tell me ngayon ka lang nakauwi? Or did that man let you stay there for a week?”
Halata sa boses ni Jenny ang gulat. Halos malaglag ko ang hawak kong cellphone nang marinig ko ang mga maling akusa niya sa akin.
For real? Iyon talaga ang nasa isip niya sa isang linggong nakalipas?
“Kung nandito ka lang sa harapan ko ay kanina pa kita nasabunutan. Gaga ka ba? Bakit naman ako mananatili roon? Saka pwede ba ay huwag mo nang banggitin sa akin ang nangyari last week. I don’t want to hear about it. Tayo lang naming dalawa ang nakakaalam doon hindi ba? So let the time buried all the memories last week,” mabilis kong saad, siguro dahil na rin sa aking nararadaman habang sinasabi ko ang mga katatagang iyon.
Ni umabot na ako sa puntong pati ang sarili ko ay kinamumuhian ko na matapos ang gabing iyon. Ni hindi nga ako nakatulog at nakakain nang maayos matapos ang gabing iyon tapos heto siya ngayon at binabalikan ang animo’y bangungot na pangayayari na iyon sa aking buhay?
“S—sorry, besh. Nag-aalala lang naman ako sa’yo. But for real? You are okay? Sabi kasi sa akin nung driver ay nawalan ka raw ng malay?” she uttered the same topic.
“You’ll shut your mouth Jenny or I will shut thjs call?” pagbabanta ko sa kaniya. May halong inis sa likod ng aking boses na alam kong mahahalata na rin iyon ni Jenny.
Oo, nahimatay ako sa gitna ng mga pangyayaring iyon. Tanging nasa huling isipan ko na lang ay ang paghubad ng lalaking iyon sa suot kong damit at ang pagtulak niya sa aking katawan pahiga sa kama. Pagkatapos nun ay tuluyan na akong nawalan ng malay at hindi na alam ang kasunod na nangyari.
Sino ba naman ang hindi mahihimatay lalo pa at hindi ako sanay sa mga ganoong bagay.
At higit sa lahat—it was my first time! Lahat naman yata ng babae ay ganoon ang mararamdaman lalo pa at labag sa iyon sa kalooban!
“Alright,” I was about to hung-up our call when I hear her voice once more. Para bang may sasabihin na naman siyang katatagan. Well, just make sure na makabuluhan na ito dahil kung hindi ay talagang hinding-hindi na ako magdadalawang-isip na patayin itong tawag namin.
I stayed silent and still waiting for her next word.
“May VIP client ulit akong ibibigay sa ‘yo. Ano? Payag ka pa ba? Big time ulit ito, Emilia. Sige na, I’ll send all of your details and you meet him later at s---” hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita sa halip ay kaagad ko nang pinatay ang tawag naming. Para masiguradong hinding-hindi na niya ako tatawagan ay nilagay ko sa blocklist ang kaniyang numero.
And seriously?
Sa kabila nang nangyari sa akin noong gabing iyon ay nagawa pa talaga niya akong ayain muli? Ni nahirapan na nga akong bumalik muli sa dati kong sarili matapos ang gabing iyon tapos ngayon ay gusto pa niyang ulitin ko ang isang pagkakamaling nagawa ko na iyon sa aking buhay?
Dahil sa inis at galit ay iniwan ko na lang ang cellphone ko sa misa. Dinampot ko ang baso na may laman pa ng kape na ngayon ay nanlalamig na’t hindi ko na rin kaya itong inumin.
I can’t imagine that I did that kind of thing. Kung pwede ko lang sanang balikan ang gabing iyon at baguhin ang nagging desisyon ko ay ginawa ko na. Pero hindi eh. Nangyari na ang gabing iyon kaya tanging magagawa ko na lang ay ilagay iyon sa limot. Maaaring buong buhay kong pagsisisihan ang isang pagkakamaling desisyon ko na iyon but I can’t further but to forget and act like nothing is happen.
Pero paano kung hindi ako hinimatay noong gabing iyon? Mararamdaman ko kaya ang bawat detalye ng mga pangyayari? Being conscious, does it mean that I can feel everything, even after he---
Oh no! Bakit ko biglang naisip ang mga katatagan na ‘yon?
Matapos akong maligo ay kaagod kong binalikan ang aking cellphone sa aking mesa. Hindi ko pala iyon napatay. Kaya nang damputin ko ito ay kusa itong nagbukas.
Habang pinupunasan ang aking mamasa-masang buhok gamit ang aking tuwalya ay kaagad na kumunot ang aking noo nang mapansin kong may ilang missed call na nag—appear sa screen ng aking phone.
Hindi na talaga siya nadala! Kita na ngang ayaw ko na eh! Hinid ba malinaw para sa kanya na ayaw ko nang ulitin ang pangayayari sa gabing iyon? It was a mistake and it shouldn’t be done once more! Hindi ko hahayang babalutin ang aking buong pagkatao ng mga pagkakamaling alam kong kailanman ay habang buhay kong pagsisisihan!
Lumipas ang ilang Segundo habang nakatingin ako sa aking screen ay muling nag—appear sa akin ang isang call. Inis na inis ko itong muling binuksan. Kasabay nang paghugot ko ng malalim na hininga na animo’y hinahanda ko ang aking sarili na sagutin siya ay ang pagtapat ko ng aking phone sa aking tainga.
“Hindi ba malinaw, ha? Ayaw ko na! It was just a mistake! Pwede bang kalimutan na lang natin ang nangyari noong gabing ‘yon? And please, don’t ask me to do it once more! Hindi ko kayang bilugin ang aking sarili. Oo, kailangan ko ng pera but I can’t just sell my dignity to anyone in exchange of money!”
Halos maiyak na ako habang binibigkas ko ang mga katatagang ‘yon. Ramdam ko ang sakit ni animo’y tagos hanggang buto.
Ilang segundo kong hinintay ang magiging sagot ni Jenny mula sa kabilang linya pero wala akong makuhang katatagan roon. Hanggang ngayon ay nag—aagaw pa rin ang sama ng loob at konsensya sa aking katawan. Na para bang ilang tulak na lang ay papatak na ang mga luha mula sa aking mga mata.
Mas lalo ko lang na idiniin ang cellphone ko sa aking tainga.
“Please, huwag mo na akong tawagan pa. Pagod na ako sa buhay. Pakiusap h---”
“Are you sure you can’t do it once more?” A cold baritone voice has surprised me.
Napakunot ako ng aking noo. It wasn’t the Jenny I am talking about. Hindi babae ang tinig na narinig ko mula sa kabilang linya kung hindi isang lalaki na animo’y binabalot ng makakapal na yelo ang boses dahil sa lamig at lalim.
“Sigurado ka na ba sa desisyon mo? Paano kung gusto ko pa nang isang beses?” sambit nito. Mula sa tono ng kaniyang boses ay naaninag ko ang kakaibang interes na hatid nito.
“S—sino ka?” I said in a cracking voice.
“Seriously? Hindi mo ako kilala? You fainted when we last did it then. Shall we meet again and do it consciously?”
Dahil sa matinding panginginig at kaba ay wala na akong ibang nagawa pa kung hindi ang biglang putulin ang tawag naming na ‘yon.
This can’t be!
Paanong---
It was already one week…
Isang linggo na ang nakalipas at buong akala ko ay malalagay ko na sa limot ang pangyayaring iyon…