Chapter 3

1945 Words
Emilia’s POV Dahil na rin siguro sa kaba at panginginig ng aking katawan ay kaagad kong binitawan ang aking cellphone saka iyon muling nilagay sa mesa. What should I do? Paano niya nakuha ang numero ko? Pinakialaman niya ba ang cellphone noong gabing iyon habang ako ay walang malay? Siguro iiwasan ko na lang siya… Nang maisip ang ideya na ‘yon ay kaagad kong muling kinuha ang aking cellphone saka ko mabilis na pinindot ang kaniyang numero sa call logs. I blocked his number… Pati ba naman siya ay kukulitin ako? Ilang numero pa ba ang iiwasan at ilalagay ko sa blocklist, maiwasan at makalimutan ko lang ang nangyari sa gabing iyon? I don’t even want to recall just a small detail happened during that night. Kung pwede lang na ngayon na ay ilalagay ko na iyon sa limot at haharapin ang panibagong umaga na parang walang nangyari. Na parang hindi ko ibinaba ang bandera ko kapalit ang pera. Matapos kong mailagay sa blocklist ang numero ay kaagad kong pinatay ang aking cellphone. Siguro kailangan ko nang iwasan ang paggamit ng cellphone ko or even going online in my social media account. Dahil sa tuwing nabubuksan ko ang aking telepono ay para bang pinapamukha sa akin na dapat kainin ako ng aking konsensya dahil sa maling desisyon ko na iyon. I already put all the contacts that I needed to get into my blocklist. I even turned my phone off. Dahil wala na rin naman akong gagawin ay lumabas na lang ako ng bahay saka napag-desisyonan na maglibot-libot na lang. Nag—aagaw ang makulimlim na ulap at ang sinag ng araw. Malamig rin ang simoy ng araw kaya tamang—tama para maglakad—lakad sa labas. I wonder how it goes like—to be rich. Where you are having countless money to spend. Where you don’t need to think about the price, just to keep spending. Iyong tipong hindi ikaw ang maghahabol. Sana balang araw ay maranasan ko rin iyon at nang maibigay ko sa aking mga kapatid ang mga bagay na gusto kong ibigay at iparanas sa kanila. Habang nasa kalagitnaan ng paglalakad ay kaagad kong napansin ang isang ale na malayo sa akin. I narrowed my eyes looking at the woman running towards me—or am I assuming. “Emi! Emi! Emi!” It was aling Nina—ang kapit-bahay naming. “Aling nina? Bakit ho?” nanliliit pa rin ang aking mga matang nakatingin sa kay aling nina. “Si—” hindi niya kaagad natapos ang kaniyang sasabihin gayong hinihingal pa ito. Kahihinto lang din niya sa aking harapan. “Si Kisha,” she then pauses once more. Sa pagbabanggit pa lang niya sa pangalan ng bunso ko ay parang kinakabahan na ako. “Si Kisha? Wait aling Nina. Huminga po muna kayo,” pati yong boses ko ay halatang unti—unti na ring kinakabahan. Sa tono pa lang ng boses ni aling Nina ay parang may kakaiba sa sasabihin niya. “A-ano po ‘yong tungkol sa bunso ko?” Sana nga mali itong nasa isipan ko. “Si Kisha sinugod sa hospital. Nasa ER ang kapatid mo, Emi! Naaksidente ang kapatid mo habang papunta sa paaralan. Ngayon lang!” kasabay ng pagsambit ni aling Nina sa mga katatagan na iyon ay ang biglaang pag—tigil ng aking mundo. A—ano? Hindi na ako nakapagsalita pa o ang sagutin si aling Nina sa sinabi niyang iyon. Kaagad akong tumakbo, ni hindi ko nga alam kung tama ba itong tinahak kong daan papunta sa hospital. Basta tanging alam ko lang sa sandaling ito ay ang makita ang kalagayan ng aking bunsong kapatid. “Sa malapit na hospital, Emi! Nandoon ang kapatid mo! Mag—ingat ka!” rinig ko pang sigaw ni aling Nina. Bakante ang aking isipan ngayon. Ni hindi nga ako nakapagpalit ng damit; hindi ko rin alam kung tamang pares ba ng tsenelas ang suot ko ngayon. Gusto kong makita ang kapatid ko. Gusto kong alamin kung ayos lang ba siya at kung ligtas lang ba siya. Diyos ko! Bakit ngayon pa? Bakit kami pa? Walking distance lang ang hospital sa bahay kaya wala pang sampung minuto ay naroon na ako. Tulad ng sinabi sa akin ni aling Nina ay sa emergency room ang unang tungo ko. Unang bumungad sa aking paningin ang kapatid ko na ngayon ay nakahiga na sa hospital cot—may dextrose na nakakabit sa kaniyang bibig. Pansin ko rin ang pasa sa kaniyang pisnge, walang malay, at maraming bandage na nakabalot sa iba’t-ibang parte ng katawan. “Kayo ba si Emilia Alvarez? Based on her contact details from her ID it—” “Yes, I am her sister. K—kumusta ang lagay ng kapatid ko?” nanginginig pa ang aking boses habang sinasambit ang mga katatagang iyon. “As of now, on going pa ang process ng vital checking niya. But we—” “Gusto kong malaman ngayon na kung okay lang ba ang bunso ko! Doctor kayo kaya alam n’yo kung ano ang lagay ng aking kapatid! Kung okay lang ba siya at k—kung hindi ba nanganganib ang buhay niya!” dahil sa pag—alala ay hindi ko na napigilang taasan ang aking boses. Gusto kong malaman ngayon na kung ayos lang ba ang aking kapatid. Kung malayo lang ba siya sa panganib. “I am sorry to hear but hindi okay ang kapatid mo, Miss Emilia. Matinding sugat ang natapo niya sa ulo at may nakita rin kaming bone fracture sa kaliwang paa. She must undergo surgery. As of now, hindi pa siya nagising and we are still waiting for the CT scan result.” Sa haba ng sinabi ng doctor ay hindi ko maayos na maproseso ang bawat detalye ng mga impormasyon na binitawan niya. But one thing that my mind can comprehend with—my younger sister is at risk. “A—ano po ang mga kailangang gawin for her treatment?” mahinahon kong tanong sa doctor. “As what as I said, she must undergo surgery and many more treatment. Hindi basta—basta ang natamo ng pasyente. Maaring mas malalala pa sa inaasahan kapag lumabas na ang mga results.” “I—ilan po ang kailangan na pera doc. Please pagalingin n’yo ang bunso ko. Maawa po kayo. Handa ko pong ibuhos lahat mapagaling lang ang aking bunso,” may halong pagmakaawa ang aking boses habang sinasambit ko iyon. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera pero hindi na importante ‘yon. Mas importante pa rin ang kaligtasan ng aking kapatid. “We will do our best to secure the patient’s safety, Miss Emilia. Hoping for your sister’s fast recovery,” saad nito sa akin saka na tuluyang umalis sa aking harapan. Nang tuluyang makaalis ang doctor ay muling bumaling ang aking tingin sa kay Kisha. Mas lalo lang nanginginig ang aking katawan habang papalapit nang papalapit kay Kisha. Kung alam ko lang sana na ganito pala ang mangyayari sa kaniya ay sana hinatid ko na lang sana siya kanina papuntang paaralan. Kung alam ko lang sana na malagay sa kapahamakan ang kaniyang buhay ay sana hindi ko na lang sana siya hinayaan na umalis. Isa na ba akong masama ate? Ni hindi ko man lang nagawang protektahan ang aking bunso. Hindi ko siya nabantayan. Sa murang edad niyang ito ay nalagay na siya sa panganib. There’s should be someone who guides her. There should be someone who takes care of her and that someone should be me. Pero ano ang ginawa ko? Pinabayaan ko lang siyang pumunta sa paaralan na mag-isa. Hinayaan ko lang siyang umalis na mag—isa. “Kisha, s—sorry,” I said in a cracking voice. “Sorry dahil hindi ka nagawang protektahan ni ate. Sorry kung napabayaan ka ni ate,” sambit ko kasabay ang unti—unting pag—patak ng mga luha mula sa aking mga mata. Kung may masamang mangyari sa kapatid ko ay hindi ko alam kung makakaya ko pa bang bumangon. Para saan pa ang mga paghihirap at sakripisyo ko kung mauuwi lang sa wala ang lahat. Lahat ng sakripisyo ko at ang dahilan kung bakit ako patuloy na bumabangon araw—araw ay walang ibang dahilan kung hindi ang mga kapatid ko. Marahan kong inabot ang kamay ni Kisha saka ko iyon hinahaplos—haplos. “Hayaan mo,” marahan kong pinunasan ang mga patak ng luha sa aking mga mata gamit ang kabila kong kamay. “Gagawin ni ate ang lahat. Gagawin ni ate ang lahat maging okay ka lang. Kaya magpagaling ka ha at lumaban. Okay?” sambit ko. Halata man sa boses ko ang panghihina pero sinubukan ko pa rin na maging matatag. Paraa saan pa kung pati ako ay susuko? Noon pa man ay ako na ang nagsisilbing ama at ina ng aking mga kapatid. Noon pa man ay sa akin na sila nakadepende kayaa walang saysay kung pati ako ay susuko rin sa laban na ito. Bumuntong ako ng malalim na hininga. Ilang minuto pa nang mapansin ko ang paglapit sa akin ng isang nurse. Kaagad akong napalingon sa aking gilid nang mahagilap iyon ng aking mga mata. “Hello po ma’am. Ililipat na po naming ang pasyente sa ward.” Rinig kong wika sa akin ng nurse. Tumango na lang ako saka ko marahan na binitawan ang kamay ng aking kapatid. Pasasaan pa at malulutas rin ang mga pagsubok na ito. Naniniwala naman ako na lahat ng problema ay may solusyon. Tuluyan na rin nilang nilipat sa ward si Kisha. Sobrang bata pa ng bunso ko pero napunta na siya sa ganitong sitwasyon. Bata pa siya at marami pa siyang dapat na maranasan bilang bata. Lumabas na lang muna ako ng hospital. Wala sa katinuan akong naglakad sa daan.Hindi ko pa alam kung saan ba talaga patungo itong bawat na paghakbang ko. Bakit sa dinami—daming tao sa mundo ay kami pa? Kaparusahan ba ito? Kung ganoon nga ay saang banda ba kami nagiging makasalanan? Wala naman akong inaapakang tao. Marami naming mayaman sa mundo, iyong mga taong may kaya at kayang harapin ang mga pagsubok nang walang kahirap—hirap. Bakit kami pa? Kami pa na sapat lang ang kinikita sa pang—araw—araw na pangangailangan. Hindi ko na napansin ang takbo ng minute. Basta tanging alam ko lang ngayon ay nasa kalgitnaan ng ako ng siyudad. Saan naman ako hahanap ng malaking halaga para tustusan ang mga gamot ni Kisha? Saan ako lalapit? Okay sana kung may mga magulang kaming malalapitan o mga kadugo man lang pero wala. Saan ako patungo nito? Makakaya ko kayang iligtas ang aking kapatid? Diyos ko, tulungan mo naman ako. Bigyan mo naman ako ng paraan para makaahon sa kahirapan na ito. Napahawak ako ng aking noo. Hindi ko na alam kung ilang minuto na ba ang nakalipas mula nang ako ay nagsimulang maglakad. Tumingin ako sa malayo; hindi ito ang daan patugo sa bahay. Ilang segudo pa ang lumipas ay kaagad kong napansin ang biglaang paghinto ng close van sa aking harapan. Ni hindi ko na namalayang nakahinto na pala ako. Kasabay ng pagbukas ng pinto ng van sa aking harapan ay ang unti—unting pag—ikot ng aking paningin. Unti—unti ko na ring naramdaman ang panlulumo ng aking mga binti. Kasabay nang tuluyang pagbagsak ko ay ang maramdaman ang mga kamay mula sa aking likuran. It was a firm touch. I don’t know who they are… Kasabay ng pagkawala ng aking malay ay ang paghila nila sa aking katawan papasok sa close van.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD