AFTER ONE YEAR... Katulad nang nakaraang mga araw, linggo at buwan ay parang walang buhay na nagmulat ng mata si Angelo para salubungin na naman ang panibagong umaga. Panibagong araw, panibagong umaga pero wala pa ring pagbabago sa nararamdaman niya dahil nandoon pa rin ang sakit nang pagkawala ng kanyang pinakamamahal na asawa at ng kanilang magiging anak sana. Mabigat pa rin sa dibdib. Masakit pa rin.. Isang taon na ang mabilis na lumipas buhat noong nangyari 'yon pero sariwa pa rin sa kanya ang lahat. Sariwa pa sa kanya ang alaala ng pagkawala ng mag-ina niya at sariwa pa rin ang sugat sa kanyang puso na idinulot ng pangyayaring iyon sa bubuuin niya sanang pamilya. Parang kahapon lang nangyari ang lahat dahil sobrang sakit pa rin. At isang taon na siyang nabubuhay sa sakit.. Three mo