Pinigilan ni Vanessa ang mga luhang gustong kumawala sa mga mata niya matapos niyang marinig ang sinambit ni Angelo. Nagsalubong ang kanilang mga mata at bumukas-sara ang labi nito ng tila napagtanto kung sino siya. Bahagya ring namilog ang mga mata nito na parang nakakita ng multo. "V-Vanessa.." he whispered at bumalik muli ang kanyang pag-asang nakikilala siya ng kanyang asawa. Pero agad na naglaho 'yon nang magsalita muli si Angelo. "I'm sorry.. Lasing lang yata ako. Hindi ikaw ang asawa ko. Napakalaking imposible dahil wala na siya one year ago.." dagdag nito na sinundan pa ng walang buhay na tawa. Bahagyang itong umiling at hindi nakaligtas sa pang-amoy niya ang humahalong amoy ng alak sa mamahaling pabango nito. Wala na ang asawa niya one year ago? Hindi naman siya namatay, ah? Si