Halo-halo ang emosyong nararamdaman ni Vanessa habang nakatitig sa pregnancy test na kanyang hawak. Mayroon 'yong dalawang kulay pulang linya na ang ibig sabihin ay nagdadalang-tao siya. Nagbunga ang kapilyohan ni Angelo at hindi niya alam kung ano ang nangingibabaw sa emosyong nararamdaman niya. Tuwa, takot at pangamba. Maaga siyang nagising dahil nakaramdam siya ng pagsusuka. Tulog pa si Angelo kaya sinulit na niya ang pagkakataong 'yon para gamitin ang pregnancy test na ilang araw na ang nakalipas buhat nang bilhin niya. Kailangan na niyang malaman kung nagdadalang-tao ba siya o hindi para masimulan na rin niyang uminom ng pills. Lalo na at mas naging madalas ang pagtatalik nila ng asawa buhat nang magka-aminan sila sa totoo nilang nararamdaman sa isa't-isa. Halos walang gabi na hin