Mabilis na lumipas ang mga araw buhat nang makabalik si Vanessa at Angelo sa lungsod. Nagsimula na rin ang klase nila at sa iisang school sila pumapasok. Iyon na ang huling taon nila sa kolehiyo at sabay silang magtatapos. At pareho silang pursigido at excited na mangyari 'yon. Maayos naman ang lahat mula noong araw na bumalik sila sa lungsod. Parang normal days din lang katulad ng mga araw nila sa Isla Montellano. Lagi silang magkasama sa bahay, sa school at kahit saan sila magpunta. Alam sa school na pinapasukan nila na mag-asawa sila ni Angelo dahil noong unang araw pa lang nila doon ay gumawa ito ng isang eksena na kung saan ay ipinangalandakan nito na silang dalawa ay mag-asawa. Kilig at hiya ang naramdaman niya noon dahil unang araw pa lang niya doon ay umani na agad sila ng atens