CHAPTER 32 Sabay na napalingon sa kinatatayuan ni Beatrice ang kanyang kapatid at ang kanyang asawa. Nahagip pa ng mga mata niya ang pagkagulat sa mukha ng kanyang Kuya Jake. Samantalang pagkataranta naman ang nasilip niya sa mga mata ni Paul. Unti-unti ay naglakad siya palapit sa executive desk ng kanyang kapatid habang ang mga mata niya ay hindi humihiwalay sa mukha ng asawa niya. Nagdikit pa ang mga kilay ni Beatrice nang hindi nawala ang pagkabahalang ekspresyon kay Paul. "Ano ang hindi ko dapat malaman?" ulit niya sa naging tanong niya kanina. Pinaglipat-lipat niya pa ang kanyang paningin sa dalawang lalaking nasa kanyang harapan. "May inililihim ba kayo sa akin?" "Why are you here, Bea?" tanong ni Jake sa kanya. Nagkaroon ng mga gatla ang kanyang noo dahil sa naging tanong ng ka