CHAPTER 31 Pasado alas siyete ng gabi nang maihatid si Beatrice ng kanilang driver sa restaurant kung saan nagpa-reserve si Paul ng dinner para sa kanilang dalawa. Pagkarating niya sa nasabing lugar ay naroon na ang kanyang asawa at prenteng naghihintay sa kanyang pagdating. Agad itong napatayo nang matanaw siyang naglalakad palapit sa mesang kinaroroonan nito. Ang mga mata nito ay may paghanga na tumitig sa kanyang kabuuan. Beatrice is wearing a black turtle neck dress. Lampas iyon ng ilang pulgada sa kanyang mga tuhod at ang manggas ay abot sa gitna ng kanyang mga braso. She paired it with a black stiletto. Naglagay siya ng make-up sa kanyang mukha at ang buhok niya ay itinali niya nang paitaas. Again, she looks so sophisticated and with class on the dress that she is wearing. Agad