CHAPTER 52 Ang nais ni Beatrice na umuwi muna sa bayan ng San Sebastian at manatili muna sa Rancho Olvidares ay hindi natuloy. Maliban sa hindi pumayag ang kanyang asawa ay hindi na niya nais pang dumagdag sa mga isipin ng kanyang Kuya Vincent. Napag-alaman niya na naaksidente ang asawa nito na si Ysabella at noong isang araw lamang bumalik sa Rancho Olvidares ang mga ito. Kung uuwi pa siya roon ay isa pa siya sa mga aasikasuhin ng kanyang kapatid. She was saddened by the idea that Vincent and Ysabella lost their first child. Naaksidente ito dahilan para makunan. Hindi niya alam ang buong detalye. Tanging ang Kuya Jake niya ang nagkwento sa kanya tungkol sa bagay na iyon. Alam niya na hindi na nais pa ng kanyang kapatid na isalaysay sa kanya ang buong kwento upang hindi na siya mag-isip