CHAPTER 51 Nahinto ang ginagawang pakikipag-usap ni Beatrice sa nurse na tumitingin sa kanya nang bigla ay pumasok si Paul sa silid na kinaroroonan niya. Ang ngiti sa kanyang mga labi ay agad na nabitin at bigla ay sumeryoso ang ekspresyon ng kanyang mukha. Ayon sa nurse na kasama niya ay makakalabas na siya ng ospital nang araw din na iyon. She is now okay at wala naman daw kailangan na ipangamba sa kanyang pinagbubuntis. Ang pagdurugong nangyari sa kanya kahapon ay dala daw di umano ng labis na galit at stress na nadama niya para sa kanyang kapatid na si Jake. Kung tutuusin ay maaari naman raw siyang umuwi kahapon pa. But her brother, Jake, insisted for her to have a thorough check-up. Nalaman din kasi nito na hindi pa siya ni minsan man nakapagpatingin sa doktor ngayon na nagdadalang