CHAPTER 50 Unti-unting iminulat ni Beatrice ang kanyang mga mata. Bago pa man siya makapag-isip kung ano ang mga nangyari ay agad na siyang napalingon sa kanyang kaliwang panig nang makarinig siya mula roon ng ingay. There, she saw Francheska. Inaayos nito ang ilang gamit sa may bedside table. Nakita niya pa ang paglabas nito ng ilang prutas mula sa isang supot. Ang ingay mula sa plastik na hawak nito ang siyang nakapagpalingon sa kanya sa hipag niya. "F-Francheska," banggit niya sa pangalan nito sa mahinang tinig. Agad na napabaling sa kanya si Francheska. Binitiwan nito ang mga hawak at lumapit sa kanyang tabi. Isang masuyong ngiti ang iginawad nito sa kanya bago nagsalita. "How are you, Bea? May masakit pa ba sa iyo?" Sukat sa naging huli nitong tanong ay bigla siyang napahawak sa