CHAPTER 49 Beatrice looked at her brother with so much anger. Hindi niya maiwasan na ipakita dito ang galit na kanyang nadarama. She wanted to hate him. Nais niyang mamuhi dahil sa mga ginawa nito--- nito at ng kanyang asawa. Ano ang karapatan ng mga ito para gumawa ng ganoong pasya para sa buhay niya? Ano ang karapatan ng mga ito para pangunahan ang mga dapat na mangyari sa sarili niyang buhay? Nangangalaiti siyang tumitig sa kanyang Kuya Jake. Totoo na mas higit siyang malapit sa kanyang Kuya Vincent kaysa dito. Sa maraming pagkakataon nang mga bata pa lamang sila ay mas madalas niyang makasama si Vincent kaysa kay Jake. Ngunit sa kabila niyon ay labis na respeto ang mayroon siya para dito. Despite the fact that Jake was so strict when it comes to her, she respect him very much. At la