CHAPTER 48 Nanatiling nakatayo si Beatrice sa may verandah ng kanilang bahay. Kanina pa siya naroon, mag-isa at malalim ang iniisip. Kanina nga nang manggaling siya mula sa bahay ng kanyang Kuya Jake ay nagtuloy na lamang siya sa pag-uwi, bagay na pinagtaka pa ng driver nila na si Ruel. Halos magkasunod lamang ito at ang taxi na kanyang sinakyan sa pagdating sa bahay nila ni Paul. Idinahilan na lamang niya na sumama ulit ang kanyang pakiramdam at mas nais na lamang na manatili sa kanilang silid. And she did. Hindi siya lumabas sa kanilang kwarto. She cried a river after hearing everything that Jake and Francheska were talking. Hanggang nang mga sandaling iyon ay hindi niya lubos na maunawaan ang kanyang mga nalaman. She tried analyzing everything. Jake bought some shares from Health W