CHAPTER 47 "Sigurado ka bang hindi na kita kailangan samahan dito?" wika ni Paul sa kanya nang sumunod na araw. Kasalukuyan na itong nagsusuot ng long-sleeved polo. Habang isinasara nito ang mga butones niyon ay sa kanya ito nakatitig. Nakaupo pa rin siya sa kanilang kama at nakasandal lamang sa headboard niyon. Ang makapal nilang kumot ay nakatakip pa rin sa kalahati ng kanyang katawan. She was not feeling well. Sa loob ng ilang araw ay laging hindi maganda ang pakiramdam niya. Ipinagpalagay niya na marahil ay dahil iyon sa labis na gawain sa bakeshop nitong mga nakalipas na mga araw. At dahil nga sa pagsama ng kanyang pakiramdam ay binanggit niya sa kanyang asawa na hindi muna siya tutungo sa kanilang bakeshop. She wanted to just stay at home and rest. At ang bagay na iyon ay nagdulo